ISANG araw bago ang pagbubukas ng klase, nasunog ang isang eskuwelahan sa Brgy. Bagong Pagasa malapit sa isang kilalang mall sa lungsod ng Quezon City kahapon ng umaga.
Dakong 11:00 ng umaga nang itaas ng Bureau of Fire Protection (BFP) ang unang alarma ng sunog sa San Francisco High School sa Brgy. Bagong Pagasa ng lungsod.
Sa report ng BFP, mabilis na nagresponde ang kanilang mga tauhan nang matanggap ang report upang maapula ang apoy.
Naitala ang ikalawang alarma ganap na 11:03; ikatlong alarma dakong 11:14 ng umaga; at naideklarang fire under control alas 11:30 ng umaga.
Ganap na napula ang sunog dakong 11:58 ng umaga at patuloy ang imbestigasyon upang mabatid ang halaga ng pinsala at pinagmulan ng sunog.
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com