Sunday , January 11 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
NBI-OTCD

2 bugaw na bebot nasakote, 11 babae nasagip sa Marilao, Bulacan

INARESTO ng National Bureau of Investigation -Organized Transnational Crimes Division (NBI-OTCD) ang dalawang babaeng pinaniniwalaang mga bugaw sa bayan ng Marilao, lalawigan ng Bulacan dahil sa sexual trafficking activities.

Sa ulat mula kay NBI Director Judge Jaime Santiago, ang kaso ay nag-ugat sa isang case referral ng Destiny Rescue Philippines, Inc. (DESTINY) na may dalawang babae ang nagbubugaw ng mga kabataan sa naturang bayan.

Napag-alaman na nag-aalok ang dalawang suspek ng mga menor de edad para sa serbisyong seksuwal sa halagang mula P3,000 hanggang P5,000.

Nagsagawa ng surveillance ang mga ahente ng NBI-OTCD, kasama ang mga tauhan mula sa DESTINY at nakipagkilala sa mga suspek hanggang magkaroon ng pag-uusap na magdadala sila ng dalawang kabataang babae sa halagang P3,000 para sa serbisyong seksuwal sa bawat isa.

Upang makompleto ang operasyon, humiling ang undercover team na ipagpaliban ang usapan at sa halip, binanggit nila na magkakaroon sila ng party sa isang private resort kung saan nag-alok ang dalawang suspek na magdadala sila ng mas maraming babae.

Dito na inilatag ng NBI-OTCD at DESTINY ang entrapment operation at nakipagtipan ang dalawang suspek sa undercover team sa napagkasunduang lokasyon sa Seven Villa Resort, sa nabanggit na bayan.

Nagdala ang dalawang suspek ng 11 mga babae kung saan inulit nila ang kanilang transaksiyon sa poseur client na ang bawat babae ay nagkakahalaga ng P3,000 para sa serbisyong seksuwal.

Ibinigay ng poseur client ang marked money na nagkakahalagang P33,000 sa isa sa mga suspek saka sila inaresto para sa paggamit at pag-alok sa mga biktima sa mga layuning seksuwal at pagsasamantala na pinapalitan ng halaga ng pera.

Nasagip ang 11 biktima ng trafficking, apat dito ay mga menor de edad at lumabas sa imbestigasyon na magkapatid ang dalawang biktima, habang ang isa sa mga biktima ay anak ng isa sa mga suspek na nakatira sa parehong sambahayan.

Dinala ang mga nailigtas na biktima sa MSWDO habang ang mga suspek ay iniharap para sa mga inquest proceedings sa Office of the Provincial Prosecutor, sa lungsod ng Malolos, para sa kasong Qualified Trafficking in Persons sa ilalim ng Section 4 na may kaugnayan sa Section 6 ng RA 9208, o Anti Trafficking in Persons Act of 2002, na sinususugan ng RA 10364 o Expanded Anti-Trafficking Act of 2002, at Sec. 6 ng RA 10175 Cybercrime Prevention Act of 2012. (MICKA BAUTISTA)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Micka Bautista

Check Also

Melanie Marquez

Adam Lawyer sinagot mga akusasyon si Melanie Marquez

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SUMAGOT na thru his legal counsel si Adam Lawyer, asawa ni Melanie Marquez na …

Donny Pangilinan Kyle Echarri Roja

Donny at Kyle maangas sa pagsasanib-puwersa

PASABOG agad ang pagpasok ng bagong taon para sa Roja matapos ilabas ang mid-season trailertampok ang umiigting na …

Goitia BBM Liza Marcos

Goitia: Ang mga Paratang na Ito ay mga Sadyang Kasinungalingan

Diretsuhin na natin. Ang kumakalat ngayon online ay mga huwad at mapanirang paratang laban kina …

Manila

Para sa Traslacion 2026
Trabaho, klase sa Maynila suspendido Liquor at firecracker ban ipinatupad

HATAW News Team INIANUNSIYO ni Manila City Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso nitong Lunes, 5 …

Clark Pampanga

Sa Port of Clark, Pampanga
HIGIT P7-M ECSTASY NASABAT

NAKOMPISKA ng mga awtoridad ang higit sa p7-milyong halaga ng pinaniniwalaang ecstasy na nakapaloob sa …