Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
P8-M Marijuana Kush PDEA Central Mail Exchange Center CMEC

Deklaradong bigas, prutas
P8-M Marijuana kush buking sa Balikbayan box

MAHIGIT sa P8 milyong halaga ng marijuana kush na idineklarang bigas, laruan, at prutas mula Thailand ang nakompiska ng mga awtoridad sa Central Mail Exchange Center (CMEC) sa Pasay City nitong Biyernes ng umaga.

Sa ulat ng Philippine Drug Enforcement ­Agency (PDEA), 11:30 ng umaga nitong Biyernes nang madiskubre ng mga tauhan ng NAIA Inter-Agency Drug Interdiction Task Group (IADITG) ang 10 abandonadong inbound parcels na puno ng marijuana kush, tumitimbang ng 5,703 gramo, at nagkakahalaga ng P8,554,500.

Nabatid na ang mga parcel ay galing sa iba’t ibang mga address sa Thailand at ipinadala sa mga tatanggap sa Metro Manila at isa sa Iloilo.

Nakadeklara sa nasamsam na mga parsela ang mga items gaya ng women’s scarves, rice, dried fruit, at baby toys.

Ayon kay PDEA Director General, Undersecretary Isagani R. Nerez, unang sumailalim sa X-ray screening ng Bureau of Customs (BoC) inspector ang kahina-hinalang parcels na ilang buwan nang walang kumukuha o umaangkin.

Isang K-9 inspection ang isinagawa ng PDEA Airport Interdiction Unit, at doon ay nadiskubre na naglalaman ng mapanganib na droga ang mga inabandonang parcels.

Ang lahat ng nasabat na marijuana kush ay ipinasa sa PDEA Laboratory Service para sa confirmatory examination, at nagsasagawa na rin ng formal case build-up para sa pagsasampa ng mga kaso sa ilalim ng Section 4, Article II ng Republic Act 9165.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

Porac Pampanga

Porac, Pampanga Mayor Capil sumuko nagpiyansa ng P.63-M para sa kasong graft

SUMUKO si Porac, Pampanga Mayor Jaime Capil nitong Martes, 2 Disyembre, sa Pasig City RTC …

Nag-alok ng droga binoga babaeng tulak tigbak sa Antipolo

Sa Antipolo
Nag-alok ng droga binoga babaeng tulak tigbak

PATAY ang isang babae matapos barilin ng lalaking sinabing inalok niyang bumili ng ilegal na …