NAGSIMULA na ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa paglilinis ng mga creek sa Kalakhang Maynila.
Nabatid na umabot sa 48 toneladang basura ang nasuyod ng MMDA sa ginawang cleanup drive sa Maligaya Creek sa lungsod ng Caloocan.
Kasama ng MMDA ang city government ng Caloocan at Department of Environmental and Natural Resources (DENR) para mahakot ang mga basura sa nasabing creek na malapit sa La Loma Cemetery.
Ayon sa MMDA, ang operasyon ay bahagi ng “Bayanihan sa Estero” na layong linisin ang mga daluyan ng maruruming tubig para maiwasan ang pagbaha.
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com