Monday , December 15 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Arrest Shabu

Tulak arestado sa P6.8-M shabu

061325 Hataw Frontpage

DINAKIP ang isang lalaking itinuturing na big time tulak matapos kumagat sa buybust ng mga awtoridad at makompiskahan ng aabot sa P6.8 milyong halaga ng shabu sa Valenzuela City nitong Miyerkoles ng hapon.

Dakong 5:30 ng hapon nitong Miyerkoles, 11 Hunyo, nang ikasa ang buybust operation ng pinagsanib na mga operatiba ng Philippine Drug Enforcement Agency Regional Office – National Capital Region (PDEA RO-NCR) – Quezon City District Office (QCDO), at ng Regional Special Enforcement Team 2, sa pakikipagtulungan ng PNP Drug Enforcement Group – Special Operations Unit NCR at ng Valenzuela City Police Station Sub-Station 4 Malinta, sa Rincon St., Brgy. Malinta, Valenzuela City.

Sa operasyon ay nagpanggap na adik ang isang pulis at nang magkaabutan ng shabu ay dito na naglabasan sa kanilang pinagtataguan ang mga awtoridad at inaresto ang suspek na kinilalang isang alyas Romy, 46 anyos.

Nakompiska sa suspek ang halos isang kilo ng shabu na nasa loob ng aluminum foil pack, may markang Qin Shan, at nakasilid sa green ecobag, may label na 7/11, naglalaman ng isang brown paper bag na may logong “Adidas and Adiclub JOIN US NOW.”

Ang mga nasabat na ilegal na droga ay tinatayang may halagang P 6,800,000 batay sa kasalukuyang kalakaran.

Kasalukuyang nasa kustodiya ng PDEA RO-NCR ang suspek at inihahanda ang mga kasong paglabag sa Section 5, Article II ng Republic Act 9165, kilala rin bilang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. (ALMAR DANGUILAN)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Almar Danguilan

Check Also

Mazel Paris Alegado SEAG

Alegado 11-anyos, nagwagi ng ginto sa women’s park event ng skateboarding sa SEA Games

BANGKOK — Maaaring si Mazel Paris Alegado, isang 11-anyos na skateboarder, na ang pinakabatang gold …

San Beda NCAA

San Beda winalis ang Letran para sa korona ng NCAA Season 101

TINAPOS ng San Beda University ang kampeonato sa men’s basketball ng NCAA Season 101 nang …

Joey Salceda

Salceda, walang kinaalaman sa ‘2024 national budget insertions’

MATINDING pinabulaanan ni dating Albay Rep. Joey Sarte Salceda ang paratang na mayron siyang kinaalaman …

Alex Eala

Alex Eala, sisimulan ang kampanya para sa SEA Games gold laban sa Malaysian netter

NONTHABURI — Inaasahang makikita na sa aksyon si Alex Eala para sa Team Philippines habang …

Nartatez PNP

PNP sa Ilalim ni Chief Nartatez: Disiplina, Aksyon, at Kongkretong Resulta

Sa larangan ng pagpapatupad ng batas, hindi nasusukat ang pamumuno sa dami ng sinasabi o …