Saturday , January 31 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Song of the Fireflies

Song of the Fireflies mapapanood na sa mga sinehan

HARD TALK
ni Pilar Mateo

SA June 25, 2025 na matutunghayan ang istorya ng world renowned Loboc Children’s Choir sa mga sinehan sa buong bansa.

Ito ang Song of the Fireflies na pinagbibidahan nina Rachel Alejandro, Morissette, Noel Comia, Jr., at Krystal Brimner.  Mula sa direksiyon ni King Palisoc. Mula sa panulat ni Sarge Lacuesta.

Nakaikot na rin sa ibang bansa ang may PG rating mula sa MTRCB. Although nais sana ng mga producer nito sa pamumuno ni Girlie Rodis na ibaba sa G Rating ang pelikula para mas marami ang makapanood at mabahaginan ng magandang istorya nito.

Sa idinaos na Manila International Film Festival sa Amerika, parehong nagwagi bilang Best Actress at Best Supporting Actress sina Mori at Rachel.

Kaibig-ibig din ang mga kantang ginamit o ginawa para sa pelikula. Mula sa paggabay nina Ms. Celeste Legaspi, Raymund Marasigan ng EraserheadsJazz Nicolas, Louie Icampo, at  Ryan Cayabyab. 

Ang tanong lang naman ni Mr. C kay Girle ay kung ano ang maiisip niyang kanta para sa pelikula, ay siyang buwelta rin ng tanong kung ano ang gusto nilang makita sa reaksiyon ng taong makikinig?

I wanted it to be magical! Looking for a feeling. Na siyang diringgin sa ‘Alitaptap.’”

Para sa mang-aawit na si Morissette, this is her most challenging film. Una niya. 

Portraying a real person is nerve wracking! But I am so grateful that the role was given to me,” saad ni  Mori who portrays the character of Alma Taldo, ang guro at ang founder ng nasabing choir at si Rachel naman bilang  si Equet (Enriqueta) Butalid.

Ang very inspiring movie ay humarap sa maraming pagsubok dahil inabutan sila ng pandemya kaya naghintay pa ng ilang panahon bago ituloy. Kinailangang muling mag-shoot dahil naglakihan na ang mga batang artista. 

Not a musical but a film with music, sabi nga ni Mori, isang pelikula itong hindi dapat iwaksi o iwaglit ng mga Filipino. Pinapalakpakan at hinahangaan sa mga pinagtanghalan na sa ibayong dagat.

Kahit pa nagkaroon na ng offer ang mga bagwis sa likod ng mga tinig ng mga bata na sa Amerika na namalagi, mas pinipili nila na patuloy na magabayan ang Loboc Children’s Choir sa Bohol.

Paano na ang mga ‘anak’ ko kung sa ibang bansa ako mamamalagi?” tanong ni Alma.

Ilang henerasyon na ng mga bata ang nagpapatuloy sa pagpapakilala ng kanilang tinig sa iba’t ibang sulok ng daigdig.

Sa July 20, 2025, sa Toronto naman dadalhin ang pelikula ng Culturtain Musical Production.

Kaabang-abang. Pinag-uusapan. Huwag kaligtaan! 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Pilar Mateo

Check Also

Fifth Solomon Joseph Marco Rhen Esçan̈o

Direk Fifth aarte muli basta maganda ang proyekto  

MATABILni John Fontanilla HANDA pa ring umarte sa mga teleserye o pelikula  si direk Fifth Solomon. Matagal-tagal …

Alden Richards Nadine Lustre

Alden excited makatrabaho si Nadine 

MATABILni John Fontanilla MASAYA si Alden Richards na makakatrabaho si Nadine Lustre. Anang actor, isa si Nadine sa …

Ai Ai delas Alas Empoy Marquez

Ai Ai ayaw manira ng masayang pamilya

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez “AYAW kong manira ng masayang pamilya!” Ito ang iginiit ni Ai Ai delas …

Vic del Rosario Ricky del Rosario

Kapatid ni Boss Vic na si Ricky ngayong araw ang libing

I-FLEXni Jun Nardo PUMANAW na ang nakababatang kapatid ni Boss Vic del Rosario ng Viva Group of Companies na …

Rhian Ramos Michelle Dee Baro Alyas Totoy

Michelle nasa Iloilo nang maganap ‘pag-torture’ sa driver, Kampo  ni Rhian iginiit walang illegal detention

I-FLEXni Jun Nardo MAAGAP na naglabas ng panig ang legal counsel nina Rhian Ramos at Michelle Dee sa umano’y …