Sunday , December 14 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Terrence Romeo Vice Ganda

Terrence handang makipag-trabaho kay Vice

RATED R
ni Rommel Gonzales

ANG basketbolistang si Terrence Romeo ang napiling celebrity endorser ng online gaming na ABC VIP.

Paano napapayag si Terrence na tanggapin ang alok na ito sa kanya?

Unang-una kasi, ‘yung main goal ng online gaming is makapag-inspire ng mga kabataan, makatulong, tapos magkaroon ng mga maraming charity.

“So ako personally, gusto ko maging part ng ganoong programa. Kaya ‘yun ang nagpa-yes sa akin,” lahad ni Terrence.

Pumupunta raw si Terrence sa mga outreach program nito sa iba-ibang lugar at barangay.

Yes, yes. Actually, nagsimula kami kahapon, nag-charity kami sa Homeboys.

“Tapos nagpakain kami ng mga bata, so magandang start ‘yun para sa online game family and gusto namin na ituloy-tuloy ‘yun. So excited lang ako sa things na ‘yun,” nakangiting pahayag pa ng basketball player.

Ilang taon ding nawala sa limelight si Terrence at paliwanag niya,  “Noong nawala ako sa basketball na-injured kasi ako, so maraming times na nag-therapy at nagpapagaling ako.

“Pero still, nasa PBA pa rin ako and tuloy-tuloy pa rin ako ngayon. Healthy ako ngayon, tuloy-tuloy pa rin ‘yung pagpapakondisyon ko.

“Hopefully, magkaroon pa rin ng mga panibagong chance na makapaglaro sa PBA or kung saan. Kasi last year ko ngayon, last year ng contract ko ngayong August, so kailangan kong tumingin na mga option.”

Puwede siya sa showbiz?

Hindi yata ako marunong umakting, pero subukan ko, baka ‘pag may opportunity, ‘di ba? Or may offer.”

May naiisip ba siya na role na tingin niya ay kaya niya o bagay sa kanya?

Hindi ko alam kung magaling akong umakting, never akong nag-try.

“Pero kung may gagawin man ako, gusto ko ‘yung sa mga action or alam mo ‘yun, parang mga kontrabida, ‘yung mga ganoon. Gusto ko ‘yun.”

Kung comedy?

Puwede rin comedy. 

“Alam ko na kung saan papunta ‘yan eh, wait-wait lang doon sa mga question, kakabalik ko lang sa ano, pero parang masyadong mainit ‘yung mga question, kakabalik ko lang ulit ng… ngayon lang ulit ako lumabas sa social media, kalmahan lang muna natin ‘yung mga question.”

Willing ba siyang magkasama sila ni Vice Ganda sa isang proyekto.

Why not? Sino ba naman ako para tumanggi?”

Na-link noon sina Terrence at Vice. 

Kumusta ang lovelife niya ngayon, masaya, makulay o wala?

Wala.”

So open siya na makipag-date?

Yes.”

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

MMFF Parade

Parade of Stars sa Dec 19

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Samantala, sa December 19, 2025 (Friday) naman magaganap ang Parade of Stars sa …

Tonton Gutierrez im perfect

Tonton sobrang humanga sa mga bidang may Down Syndrome: Ang husay nilang umarte  

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez INAMIN ni Tonton Gutierrez na nasorpresa siya sa galing ng mga kasama nilang …

Bianca de Vera

Bianca ‘di inaasahan pagdagsa ng blessings

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez TAMPOK si Bianca de Vera sa huling Star Magic Spotlight presscon ng taon-ibinahagi niya ang …

TobaccOFF NOW

TobaccOFF NOW! Pre-Screening Event pangungunahan ng mga kabataan 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez DALAWAMPU’T LIMANG kabataang filmmakers mula sa buong bansa ang maglalahad ng …

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …