Saturday , January 31 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Martin del Rosario Beyond The Call Of Duty Paolo Gumabao Devon Seron Maxine Trinidad

Martin hirap sa action at comedy

RATED R
ni Rommel Gonzales

PULIS ang papel ni Martin del Rosario sa Beyond The Call Of Duty.

Ano ang challenge kay Martin gumanap bilang pulis?

Siguro ‘yung mag-portray ka ng isang taong with honor, man with honor kasi ang character dito ni Ricky Mapa.

“So actually, ako naman gusto ko talagang mag-portray ng mga role na hinahangaan, ‘yung kapita-pitagan, nagkakataon lang napupunta talaga ako sa mga kontrabida role nitong previous projects ko.

“Pero excited akong maging mabait, maging honorable ulit. Feeling ko mas ano ko naman talaga iyan, mas gusto ko, mas gusto kong gawin,” kuwento ni Martin.

Noong bata ba siya ay naging pangarap niyang maging pulis o sundalo?

Noong bata ako gusto ko dati maging piloto.”

Bakit hindi niya itinuloy na maging pilot?

Kasi nag-artista na ako.”

Versatile actor si Martin, kahit saan siya ilinya, comedy, kontrabida, action o sexy, kaya niyang gampanan.

At sa tanong kung saan siya mas hirap, “Mas mahirap? Mas nahihirapan ako sa action at sa comedy, sa totoo lang,” bulalas ni Martin. “‘Yung drama kasi parang ilang years naman na akong dramatic actor. 

“Tapos kung doon sa mga sexy scene naman, hindi naman siya talaga pinaplano eh, more on kailangan ninyo lang i-assure ng ka-partner mo ‘yung respect sa isa’t isa.

“Kumbaga, ‘Ito okay lang ba gawin ko ito sa iyo? Itong action na ito, hindi ka ba ma-offend?’

“Once na ‘yung ka-partner mo very open, alam niyo ‘yung gagawin sa isa’t isa, may respeto, wala naman masyadong problema ‘yung mga sexy scene.

“Ang ano ko sa action, ano kasi ako eh, gusto ko inaaral bawat step. Hindi kasi ako natural dancer, so ‘yung mga step, like ‘yung… kunwari rito sa ‘Lolong,’ ‘yung mga sapakan, iyan, nagpapa-call ako ng mas maaga sa production para lang mas maaral ko ng maayos ‘yung mga action number.

“Comedy naman, feeling ko kasi ang isang comedian, ipinanganak na ‘yan na skill eh, may natural talent ang pagiging mabilis, pagiging witty, ‘yung mga ganyan.”

Samantala, ang pelikula ay tungkol sa buhay ng mga pulis at bumbero dito sa ating bansa.

Ang direktor nito ay si Jose “JR” Olinares na supervising producer din ng pelikula.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

Fifth Solomon Joseph Marco Rhen Esçan̈o

Direk Fifth aarte muli basta maganda ang proyekto  

MATABILni John Fontanilla HANDA pa ring umarte sa mga teleserye o pelikula  si direk Fifth Solomon. Matagal-tagal …

Alden Richards Nadine Lustre

Alden excited makatrabaho si Nadine 

MATABILni John Fontanilla MASAYA si Alden Richards na makakatrabaho si Nadine Lustre. Anang actor, isa si Nadine sa …

Ai Ai delas Alas Empoy Marquez

Ai Ai ayaw manira ng masayang pamilya

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez “AYAW kong manira ng masayang pamilya!” Ito ang iginiit ni Ai Ai delas …

Vic del Rosario Ricky del Rosario

Kapatid ni Boss Vic na si Ricky ngayong araw ang libing

I-FLEXni Jun Nardo PUMANAW na ang nakababatang kapatid ni Boss Vic del Rosario ng Viva Group of Companies na …

Rhian Ramos Michelle Dee Baro Alyas Totoy

Michelle nasa Iloilo nang maganap ‘pag-torture’ sa driver, Kampo  ni Rhian iginiit walang illegal detention

I-FLEXni Jun Nardo MAAGAP na naglabas ng panig ang legal counsel nina Rhian Ramos at Michelle Dee sa umano’y …