Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

12 smuggled na SUV sa US nasabat ng BoC

060925 Hataw Frontpage

NASABAT ng mga tauhan ng Bureau of Customs – Intelligence and Investigation Services (BOC-CIIS) ang dalawang container van sa Manila International Container Port (MICP) galing sa Estados Unidos at may kargang 12 sports utility vehicle (SUV).

Ayon kay BOC-CIIS Director Verne Enciso, isinailalim sa X-ray imaging sa MICP ang dalawang shipment makaraang makatanggap ng impormasyon na naglalaman ito ng “misdeclared and undeclared items.”

Natuklasan sa ginawang X-ray imaging ang 12 SUV sa loob ng kargamento na unang idineklarang naglalaman ng car accessories and supply.

Dahil dito ayon kay Enciso, isinagawa ang 100% physical examination sa mga container van.

Laman ng dalawang container vans ang isang unit ng 1996 Acura Integra; 3 units ng 1998 Honda Civic: 1 unit ng 1999 Honda Civic; 4 units ng 2000 Honda Civic; 1 unit ng 2002 Honda S2000; 1 unit ng 2004 Honda S2000; 1 unit ng 2007 Mini Cooper S.

Naka-consign ang kargamento sa Danesh Consumer Goods Trading mula sa United States.

Ayon kay Deputy Commissioner for Intelligence Group Juvymax Uy, nakatanggap sila ng impormasyon na sangkot sa pagpupuslit ng mga sasakyan at mga bahagi nito ang kargamento kaya trinabaho ng intelligence unit ng BOC sa nakalipas na mga linggo.

Tiniyak ni BOC Commissioner Bien Rubio na mananagot ang mga nasa likod ng smuggling operation.

Malinaw aniya itong paglabag sa Section 1400 ng Customs Modernization and Tariff Act.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

Porac Pampanga

Porac, Pampanga Mayor Capil sumuko nagpiyansa ng P.63-M para sa kasong graft

SUMUKO si Porac, Pampanga Mayor Jaime Capil nitong Martes, 2 Disyembre, sa Pasig City RTC …

Nag-alok ng droga binoga babaeng tulak tigbak sa Antipolo

Sa Antipolo
Nag-alok ng droga binoga babaeng tulak tigbak

PATAY ang isang babae matapos barilin ng lalaking sinabing inalok niyang bumili ng ilegal na …