Friday , December 19 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Pagbaba  ng krimen sa bansa, mararamdaman — Gen. Torre

TAHASANG tiniyak ng bagong talagang Philippine National Police (PNP) chief na si Gen. Nicolas Torre III  na mararamdaman ng publiko ang pagbaba ng krimen sa bansa kasunod ng  “3 suhay” na kanyang  pagbabatayan na kinabibilangan ng mabilis at patas na pagseserbisyo, pagkakaisa at pagpapataas ng moral ng  mga pulis, at accountability at modernisasyon.

Ayon kay Torre, gagawin ng PNP ang lahat upang  maipakita sa publiko na kaya nilang ibalik ang tunay na peace and order sa bansa. 

Aniya, sisikapin nilang matugunan ang iba’t ibang hamon sa PNP.

Aminado si Torre na mahirap makombinsi ang publiko na bumababa ang antas ng krimen sa bansa batay sa mga hawak nilang datos.

Gayonman, hindi aniya siya titigil sa paghahanap ng mga paraan hangga’t hindi naisasakatuparan ang  hangarin ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr., na tiyaking ligtas ang bawat pamayanan sa bansa.

Una nang sinabi ng Pangulo na dapat maramdaman ng publiko ang mga pulis lalo sa mga komunidad.

Kaugnay nito, sinabi rin ni  Torre na layon niyang magsilbing tulay ang pulis ng publiko at ng pamahalaan.

Naging mahigpit ang direktiba ni Torre  sa kanyang mga pulis na iwasang pagpasapasahan ang mga dumudulog sa police station. 

Kasabay nito, hinimok niya ang publiko na gamitin ang 911 upang isumbong ang pulis na magpapasa-pasa ng kanilang reklamo. (ALMAR DANGUILAN)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Almar Danguilan

Check Also

Water Faucet Tubig Gripo

Tserman ‘di nagbayad ng bill  
Tumana residents pinutulan ng supply ng tubig

MAAARING mag-Pasko na walang tubig ang mga residente ng Barangay Tumana sa Marikina City matapos …

JV Ejercito BIR LOAs

Sen. JV Ejercito hindi pinalampas BIR hearing kahit nasa ospital

NAGAWANG makadalo sa pamamagitan ng virtual hearing si Senator JV Ejercito sa pagdinig ng Blue …

LTFRB TNVS Car

TNVS pick-up fare, inaprobahan ng LTFRB

NAGPAPASALAMAT ang Transportation Network Vehicle Service (TNVS) Community Philippines makaraang pakinggan  ng Land Transportation Franchising …

PH SEAG Football

Filipinas, Nakamit ang Unang Gintong Medalya sa SEAG Football

CHONBURI – Nadagdagan ng isang makasaysayang gintong medalya sa Southeast Asian Games ang listahan ng …

DLSU De La Salle UAAP

Green Archers, inangkin muli ang korona sa UAAP basketball

INANGKIN muli ng De La Salle University ang kampeonato sa UAAP men’s basketball matapos magwagi …