Saturday , January 10 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Riding-in-tandem

Riding-in-tandem tiklo sa baril, patalim

NADAKIP ang dalawang lalaking magkaangkas sa motorsiklo matapos mahulihan ng hindi lisensiyadong baril at patalim habang lumabag sa mga batas trapiko sa isinagawang Oplan Sita ng Malolos CPS sa McArthur Highway, Brgy. Bulihan, sa lungsod ng Malolos, lalawigan ng Bulacan, nitong Lunes ng madaling araw, 2 Hunyo.

Sa ulat na ipinadala kay P/Col. Franklin Estoro, officer-in-charge ng Bulacan PPO, kinilala ang mga suspek na sina alyas Van at alyas Chie.

Sa imbestigasyon, habang nagsasagawa ng Oplan Sita ang mga tauhan ng Malolos CPS, kanilang pinahinto ang isang Rusi motorcycle na walang plaka dahil sa reckless driving.

Ngunit imbes huminto, pinaharurot ng dalawang suspek ang kanilang dalang motorsiklo hanggang nagkaroon ng maikling habulan.

Matapos mapatigil ang sasakyan, maayos na nagpakilala ang mga awtoridad at hiningi ang lisensiya ng driver bilang bahagi ng standard procedure.

Dito napansin ng mga pulis ang isang .38 caliber revolver na nakasukbit sa baywang ni alyas Van kaya agad siyang inaresto.

Nakuha sa kaniya ang baril na may serial number 1293923 at may lamang tatlong bala samantala nakompiska mula kay alyas Chie ang dalawang patalim na nakatago sa kaniyang katawan.

Kasalukuyang inaalam ng mga awtoridad kung ang mga naarestong suspek ay kabilang sa mga riding-in-tandem na bumibiktima sa mga motorcycle riders sa Bulacan.

Nahaharap ang mga suspek sa paglabag sa RA 10591 (Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act) at paglabag sa Batasang Pambansa Bilang 881 (Omnibus Election Code) dahil sa umiiral na gun ban, Batasang Pambansa Bilang 6 (pagdadala ng patalim), at RA 4136 (pagmamaneho nang walang lisensya, walang OR/CR, at reckless driving). (MICKA BAUTISTA)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Micka Bautista

Check Also

Melanie Marquez

Adam Lawyer sinagot mga akusasyon si Melanie Marquez

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SUMAGOT na thru his legal counsel si Adam Lawyer, asawa ni Melanie Marquez na …

Donny Pangilinan Kyle Echarri Roja

Donny at Kyle maangas sa pagsasanib-puwersa

PASABOG agad ang pagpasok ng bagong taon para sa Roja matapos ilabas ang mid-season trailertampok ang umiigting na …

Goitia BBM Liza Marcos

Goitia: Ang mga Paratang na Ito ay mga Sadyang Kasinungalingan

Diretsuhin na natin. Ang kumakalat ngayon online ay mga huwad at mapanirang paratang laban kina …

Manila

Para sa Traslacion 2026
Trabaho, klase sa Maynila suspendido Liquor at firecracker ban ipinatupad

HATAW News Team INIANUNSIYO ni Manila City Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso nitong Lunes, 5 …

Clark Pampanga

Sa Port of Clark, Pampanga
HIGIT P7-M ECSTASY NASABAT

NAKOMPISKA ng mga awtoridad ang higit sa p7-milyong halaga ng pinaniniwalaang ecstasy na nakapaloob sa …