Saturday , January 31 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Alex Eala

Eala pokus sa Grass Season sa Birmingham, England

GORA ang sentro ng atensiyon ni Alex Eala sa grass season pagkaraan ng kanyang ratsada sa French Open sa Paris, France.

Uunahin ng Pinay netter ang kampanya sa grass sa WTA 125 Lexus Birmingham Open na gagawin sa Birmingham, England.

No. 3 seed si Eala sa torneo dahil sa kanyang kasalukuyang puwesto na No. 73 sa WTA rankings.

Sa first round ng Birmingham tournament, makasasagupa ni Eala si Linda Fruhvirtova ng Czech Republic.

Pamilyar na si Eala kay Fruhvirtova na nasa No. 152 sa WTA. Nagkadaupang palad ang dalawa noong nasa juniors sila.

Matatandaang naitala ang 1-1 sa head-to-head ng dalawang netter.

Nanalo si Eala sa unang paghaharap nila ni  Fruhvirtova noong 2019 sa ITF Cape Town tournament sa Cape Town, South Africa.

Sa paglipas ng dalawang taon, muling nagharap sina Eala at Fruhvirtova sa Great Britain na angat ang Czech netter sa J1 Roehampton tournament.

Pero ibang usapan umano ang pro level dahil marami nang pinagdaanan si Eala partikular ang impresibong kampanya sa Miami Open na tinalo niya ang tatlong Grand Slam winners kabilang na si reigning French Open champion Iga Swiatek ng Poland.

Bukod sa singles, sasabak si Eala sa doubles kapares si Rebeka Masarova ng Switzerland.

Haharap sina Eala at Masarova kina Australian pair Ellen Perez at Storm Hunter sa opening round.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Babys Day Out sa Bohol

Gumala habang nag-aaway si nanay at tatay
Baby’s day-out sa kanyang first birthday

NAALALA ba ninyo ang pelikulang Baby’s Day Out noong 1994?         Puwes nangyari ang isang …

Landers Fairview Fire

LANDERS SUPERSTORE SA FAIRVIEW NATUPOK
5 fire volunteers iniimbestigahan

ni ALMAR DANGUILAN TILA BUONG-BUONG nilamon ng apoyang sangay ng Landers Superstore sa kanto ng …

Dead body, feet

8-anyos anak patuloy na hinahanap, bangkay ng aleng pulis natagpuan

NATAGPUAN ang wala nang buhay na katawan ng isang babaeng pulis na mahigit isang linggo …

Alex Eala

Eala pinatalsik si Sakatsume, pasok sa quarters

SA KABILA ng makapal na benda sa kanyang kanang hita, nagpakita ng katatagan si Alex …

Bomb Threat Scare

Empleyado ng NAIA tiklo sa ‘bomb joke’

DINAKIP ng mga awtoridad ang isang empleyado ng Ninoy Aquino International Airport Terminal 3 matapos …