Monday , December 15 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Gen Nicolas Torre III

3 prayoridad, inilatag
AKSYON HINDI PURO DADA — GEN. NICOLAS TORRE III

BINIGYANG-DIIN ng ika-31 punong hepe ng Philippine  National Police (PNP) na hindi kailangan ang maraming salita sa halip ay ipakita sa gawa bilang atas sa mga kapwa-pulis sa pagtupad ng kanilang tungkulin.

Kahapon ng umaga, opisyal nang umupo si Gen. Nicolas Torre III bilang Chief PNP kasabay ng pagreretiro ni PGen. Rommel  Francisco Marbil sa isang seremonyang dinalohan ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr., sa Kampo Heneral Rafael T. Crame sa Cubao, Quezon City.

Sa pagsisimula ng kanyang tungkulin, sinabi ni Torre III na tatlong bagay ang  kanyang magiging basehan sa kanyang panunungkulan.

Kinabibilangan ito ng mabilis at patas na pagseserbisyo sa publiko; pagkakaisa at pagpapataas ng moral; ang huli, accountability at modernization.

Ipinaliwanag ni Torre, sa ilalim ng mabilis at patas na pagseserbisyo, ipatutupad na ang 3-minute response sa buong bansa gamit ang  911 at pagpapaigting ng police visibility.

Binigyang-diin na pinakaepektibo pa rin ang  pagpapatrolya ng mga pulis sa lansangan laban sa nagbabantang krimen.

Titiyakin ni Torre ang pagkakaisa ng lahat ng PNP personnel upang mas maayos ang organisasyon at paiiralin ang respeto sa bawat isa.

Palalakasin ang pagsasanay ng mga pulis upang mas lalong maging epektibo sa pagpapatupad ng peace and order sa bansa.

Hindi na puwede ang ‘pogi points’ at sa halip ay dapat na tiyakin ng bawat pulis na tama ang kanyang trabaho.

Walang puwang sa liderato ni Torre bilang PNP chief ang padrino system at sa halip ay pararangalan ang mga karapat-dapat sa promosyon.

Bagamat kailangan ang modernisasyon, sinabi ni  Torre na gagamitin ang bagong kagamitang binili ng  PNP sa ilalim ni Marbil upang mas maging epektibo ang  responde sa mga emergency cases.

Muli, hinamon niya ang kanyang mga tauhan na huwag puro salita sa halip ay ipakita sa gawa. (ALMAR DANGUILAN)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Almar Danguilan

Check Also

Goitia

Goitia: Gawang-Pilipinas na COBRA System, Hudyat ng Bagong Yugto sa Pambansang Depensa

Ang pag-turn over ng gawang-Pilipinas na Controller Operated Battle Ready Armament (COBRA) automated weapon system …

fake news

Walang pasok sa 26 at 29 Nobyembre fake news — Recto

FAKE NEWS ang Memorandum Circular 47 na nagsasabing walang pasok sa mga tanggapan ng gobyerno …

Money Bagman

AICS ng DSWD ‘kinupitan’ 14 barangay execs sinampahan ng kaso

NAGHAIN ng reklamo ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa Office of the …

Vigor Mendoza LTFRB

LTFRB Ch Mendoza pumalag vs 3 insurance management ng IC

MISMONG si Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) Chairman Vigor Mendoza ang humiling sa …

Aleah Finnegan SEAG

Finnegan nasungkit ang pangalawang ginto sa SEA Games

BANGKOK — Muling pinatunayan ni Paris Olympian Aleah Finnegan na siya ang pinakamakinang na bituin …