Saturday , January 10 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
PNP PRO3 Central Luzon Police

3 MWP sa Central Luzon nasakote

MATAGUMPAY na naaresto ng pinagsanib na puwersa ng pulisya sa Central Luzon ang tatlong most wanted persons (MWP) sa magkakahiwalay na operasyon sa mga lalawigan ng Bataan at Zambales.

Sa ulat mula kay PRO3 Regional Director P/BGen. Jean Fajardo, unang nadakip ang suspek na kinilalang si John Allen Maras, 18 anyos, estudyante at residente sa Brgy. Capitangan, Abucay, Bataan, sa bisa ng warrant of arrest na inilabas ni Judge Francis Avelyn Gallega-Vargas ng Balanga City RTC Branch 3.

Nakatala ang akusado na Rank No. 2 Most Wanted Person (Provincial Level) at nahaharap sa kasong paglabag sa Section 13 at 14, Article II ng RA 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002).

Isinagawa ang sumunod na operasyon ng Botolan MPS sa Brgy. Batonlapoc, Botolan, Zambales, kung saan nadakip ang Rank No. 4 Most Wanted Person (Provincial Level) na kinilalang si alyas Tom, 17 anyos, estudyante at residente sa Brgy. San Juan, Botolan, Zambales.

Naaresto ang akusado sa bisa ng warrant of arrest para sa kasong Rape na inilabas ni Judge Maribel Mariano-Beltran ng Iba, Zambales RTC Family Court Branch 13.

Bilang menor de edad, isinailalim si alyas Tom sa pangangalaga ng Municipal Social Welfare and Development Office (MSWDO) ng Botolan.

Naaresto rin sa Brgy. Panilao, Pilar, Bataan ang Rank No. 7 Most Wanted Person (Provincial Level) na kinilalang si Johnny Gonzales, 44 anyos sa operasyong pinangunahan ng Pilar MPS katuwang ang Regional Intelligence Unit 3 (RIU3), PIT Bataan, at ang 2nd Provincial Mobile Force Company.

Nahaharap ang akusado sa kasong Lascivious Conduct sa ilalim ng Section 5(B) ng RA 7610, na inamyendahan ng RA 11648, sa bisa ng warrant na inilabas ni Judge Jenny Vi Trinidad-Layco ng Mariveles, Bataan RTC Branch 3.

Kasunod ng pag-aresto sa tatlong most wanted persons, pinuri ni P/BGen. Fajardo ang mga operatiba sa kanilang mabilis at epektibong aksiyon kaugnay ng pinaigting na kampanya para sa ligtas at maunlad na pamayanan. (MICKA BAUTISTA)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Micka Bautista

Check Also

Melanie Marquez

Adam Lawyer sinagot mga akusasyon si Melanie Marquez

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SUMAGOT na thru his legal counsel si Adam Lawyer, asawa ni Melanie Marquez na …

Donny Pangilinan Kyle Echarri Roja

Donny at Kyle maangas sa pagsasanib-puwersa

PASABOG agad ang pagpasok ng bagong taon para sa Roja matapos ilabas ang mid-season trailertampok ang umiigting na …

Goitia BBM Liza Marcos

Goitia: Ang mga Paratang na Ito ay mga Sadyang Kasinungalingan

Diretsuhin na natin. Ang kumakalat ngayon online ay mga huwad at mapanirang paratang laban kina …

Manila

Para sa Traslacion 2026
Trabaho, klase sa Maynila suspendido Liquor at firecracker ban ipinatupad

HATAW News Team INIANUNSIYO ni Manila City Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso nitong Lunes, 5 …

Clark Pampanga

Sa Port of Clark, Pampanga
HIGIT P7-M ECSTASY NASABAT

NAKOMPISKA ng mga awtoridad ang higit sa p7-milyong halaga ng pinaniniwalaang ecstasy na nakapaloob sa …