Friday , December 19 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Miles Ocampo Elijah Canlas

Miles at Elijah mas mahal ngayon ang isa’t isa

RATED R
ni Rommel Gonzales

FOUR years na ang relasyon nina Miles Ocampo at Elijah Canlas.

Sabi ko nga, hindi naman kami magkakabalikan kung hindi namin nakita yung isa’t isa. Kung hindi namin pinipili at minamahal ang isa’t isa,” saad ni Miles.

November 2023 ay napabalitang nag-break na, pero March 2024 ay sinimulan nilang muling ayusin ang kanilang relasyon.

Sabi ko nga, hindi naman kami magkakabalikan kung hindi namin nakita yung isa’t isa. Kung hindi namin pinipili at minamahal ang isa’t isa.”

Inamin ni Miles na napag-uusapan na nila ni Elijah ang tungkol sa kasal pero hindi naman daw sila nagmamadali.

Pareho kaming marami pang gustong gawin. Pareho pa kaming marami pang gustong patunayan sa industry.

“Alam namin na we’ll get there.

“Pero right now, ine-enjoy muna namin ang isa’t isa at trabaho.

Nauuso man sa showbiz ang hiwalayan ay naniniwala pa rin si Miles sa long-term relationship.

Nasa sa inyo naman iyan ng partner mo kung pareho niyong pipiliin ang isa’t isa.

“’Di ba, may days naman na stressed kayo pareho sa work niyo, pero kung nandiyan kayo for each other, kung pareho niyong pinipili ang isa’t isa.”

Tungkol naman sa showbiz career ni Miles, kamakailan ay pumirma siya ng kontrata sa All Access To Artists (Triple A management) nina direk Michael Tuviera (president at CEO), Jojo Oconer (CFO at COO), at Jackie Cara (head of Operations and Sales).

“Kapatid” na ni Miles sa management ang Eat Bulaga! co-host niya na si Maine Mendoza, ang GMA Primetime Queen na si Marian Rivera, at si Carla Abellana.

Nais ni Miles na makapagsulat ng script. Graduate siya ng scriptwriting workshop ni National Artist Ricky Lee.

Tuwing makikita ko ni Sir Ricky, napi-pressure ako,” natawang pag-amin ni Miles.

Hindi ko nga binabalikan, pero isa iyon sa mga gusto kong gawin this year.

“Kasi, gusto ko ngang makapagsulat. Malay mo, may sarili akong pelikula, kung papayagan ako.

“Kumbaga, nandito po ako sa stage ngayon na I wanna explore. I want to collaborate with different people. Sobrang gutom akong mag-acting talaga.”

Ayon kay Ms. Cara, head of operations ng Triple A, may chance mabigyan ng pagkakataon si Miles na makapagsulat ng script, lalo’t may APT Entertainment na sister company ng Triple A.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

Zaijian Jaranilla Earl Amaba Krystel Go Im Perfect

Zaijian nahirapan noong una: pero nang nakita ko ‘yung eksena sobrang magical

RATED Rni Rommel Gonzales MAHUSAY na aktor pero aminado si Zaijian Jaranilla na nahirapan siya sa papel …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

Sylvia Sanchez Im Perfect MMFF

Sylvia laban o bawi ang I’m Perfect

RATED Rni Rommel Gonzales MGA “anghel sa buhay namin” ang tawag ni Sylvia Sanchez sa mga cast …

Innervoices Aliw Awards

Innervoices Best Group Performer in Hotels, Music Lounges and Bars sa 38th Aliw Awards

RATED Rni Rommel Gonzales “MEN in white” barong ang peg ng paborito naming Filipino all-male …

Maya Twinyonaryo

Maya sa Twinyonaryo ng paghiram, paggastos 

NGAYONG Kapaskuhan, mas sulit ang bawat gastos mo lalo kung may chance manalo ng malaki …