Sunday , January 11 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Anna Magkawas Jeraldine Blackman

Luxe Slim CEO nakaalalay kay Jeraldine Blackman

RATED R
ni Rommel Gonzales

SA pamamagitan ng kanyang Instagram nitong February 21, 2025 ay inihayag ni Jeraldine Blackman na hiwalay na sila ng mister niyan Australian na si Joshua Blackman.

Ang dating mag-asawa at ang kanilang dalawang anak na sina Nimo, 7, at Jette, 5, ay pamilya ng sikat na content creators.

Marami silang endorsements na produkto rito sa Pilipinas, kabilang na ang Luxe Kids Powdered Drink, na pag-aari ng businesswoman na si Anna Magkawas.

At bilang endorsers ni Anna ang pamilyang Blackman hiningan namin siya ng reaksiyon sa hiwalayan nina Jeraldine at Joshua.

Lahad niya, “Siyempre na-sad ako, parang somehow na-feel ko na, alam mo ‘yun, parang naramdaman ko ‘yung sadness.

“Pero that’s life, ano talaga, and what we can do is suportahan, kasi I know alam naman na nila kung anong ginagawa nila, ‘di ba?

“So parang tayo, siyempre suportahan na lang din natin sila and let’s respect their decision.

“At the end of the day, family nila ‘yun, tayo nakikibasa, nakikinood na lang din tayo, but siyempre malulungkot.”

Kinumusta namin kay Anna ang estado ng kontrata ng Blackman  sa kanyang kompanya lalo sina Jeraldine at Jette na siya mismong mga endorser ng naturang inumin.

Tuloy naman, tuloy pa rin naman,” pakli ni Anna.

Hanggang kailan ang kontrata ng mag-ina sa produkot niya?

That’s ano…until when ba, nakalimutan ko, one year kasi ‘yun, that’s one year kasi.”

May communication ba si Anna sa mga ito?

Yes, with Jeraldine.”

Hindi raw nila napag-usapan ang tungkol sa hiwalayan ng mag-asawa?

Ayoko rin… siyempre ayoko naman, alam mo ‘yun, baka parang, ‘Ano ba naman ito, nakiki-ano?’

“‘Di ba? Parang very ‘Maritess’ naman ang dating ko niyon,” at natawa si Anna.

So parang sinabi ko lang na, ‘I’m just here, if you need someone to talk to, nandito lang si ate.’

“Ganyan lang. Hindi naman ‘yung, ‘Ano ang nangyari?’

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Andrew E

Andrew E dagsa ang fans, mamamahagi ng collectibles

HARD TALKni Pilar Mateo MAILALARAWAN ang master rapper of this era, Andrew E. bilang livin’ …

Encantadia Chronicles Sanggre

Encantadiks tuloy-tuloy ang panalo

RATED Rni Rommel Gonzales SOBRANG lakas ng Encantadia Chronicles: Sang’gre sa primetime. Base sa overnight NUTAM People …