Monday , December 15 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Isang Komedya sa Langit

Jaime, Gene, EA masayang malungkot pagta-time travel sa Isang Komedya sa Langit

HARD TALK
ni Pilar Mateo

MAGALING na kwentista si Rossanna Hwang.

At naisasalin niya sa script ang mga nahahabi niyang istorya sa isipan. Mula sa personal na karanasan. O kaya naman eh, sa busog na imahinasyon.

Kaya nabuo niya ang Isang Komedya sa LangitNa inilabas sa pamamagitan ng isang aklat. At ngayon  eh, isa ng pelikula.

Aabangan na ito sa lahat ng SM Cinemas simula sa Mayo 28, 2025.

Istorya ng tatlong pari sa panahong 1872 ang simula ng istorya. Na mapupunta sa kasalukuyang panahon. 

Pawang  batikan sa komedya at drama ang inilagay ng Kapitana Entertainment sa cast. Sina Jaime Fabregas, Gene Padilla, at EA Guzman. Na sinuportahan nina Aki Blanco at Carmi Martin.

Iba ang humor na ibinahagi ni direk Roi Paolo Calilong sa pelikula. Dahil nakatutuwa ang mga ginagawa ng tatlong pari pero gusto mong maiyak.

May rating na PG mula sa MTRCB ang pelikula na sinuportahan ng Security Bank at Chooks to Go.

Mula sa digmaan ng 1800s sa panahon ng bagong henerasyon, nakagawa ng misyon ang tatlong pari. Paano ba nila ginawa? At muli ba silang nakabalik sa tunay na  mundo nila?

It’s a feel good movie. 

Mukhang  magtutuloy-tuloy na si Rossanna sa paggawa ng pelikula. Kahit pa sa una niyang sabak bilang producer sa isang palabas sa telebisyon na nagbahagi ng buhay niya bilang isang Kapitana, na nagbigay ng heartbreak sa kanya, ang big screen na ang hamong kinakaharap niya.

Matapang! Kapitana, eh.

Kaya panoorin ang out-of-the-ordinary kwento ng mga paring nag-time travel! 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Pilar Mateo

Check Also

Lala Sotto MTRCB Warner

Lala Sotto, nakipagpulong sa mga kinatawan ng Disney+, Warner Bros., at HBO

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ANG Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson …

Bela Padilla Rekonek

Bela Padilla kayang mabuhay nang walang internet, tampok sa MMFF entry na “Rekonek”

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ISANG overseas Filipino worker (OFW) ang papel na ginagampanan ni …

Andrea Gutierrez Isha Ponti Rey Valera

Andrea at Isha binigyan ng kanta ni Rey Valera 

RATED Rni Rommel Gonzales NGAYONG Sabado ng gabi, December 13, magaganap ang concert nina Andrea Gutierrez at Isha …

Anthony Taberna Roselle Taberna TGC

TGC nagpasalamat sa mga kabahagi nila sa tagumpay

I-FLEXni Jun Nardo LUMAGO na ang Taberna Group of Companies kaya naman mayroon na silang sariling building …

Pokwang

Pokwang iniwan morning variety show, magpo-focus sa negosyo 

I-FLEXni Jun Nardo NAGPAALAM ng maayos si Pokwang sa pagiging host ng morning variety show ng GMA, ang Tiktoclock na …