Friday , January 30 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Firing Line Robert Roque

An’yare na, PhilHealth?

FIRING LINE
ni Robert B. Roque, Jr.

NGAYONG tapos na ang mid-term elections, tama lang na alalahanin natin na isa sa mga pangunahing isyu na ikinonsidera ng mga botante ay ang pangangalagang pangkalusugan.

Nagkataon naman na maraming ospital ngayon ang nasa balag nang alanganin, mayroong mahigit P7 bilyong unpaid bills na konektado sa mga guarantee letters na pirmado ng mga kandidato —karamihan ay talunan. Kapag healthcare ang ibinibida ng mga nangangampanya, hindi na kataka-takang habulin ng mga ospital ang mga kandidatong hindi pinalad mahalal.

‘Yan ang problema, kapag ang mga henyo ng Kongreso ay ginawa nang sistema ang pag-aalok sa healthcare bilang pabor na nakadepende sa paghahalal sa politiko. Dapat bigyang-diin na ang usaping ito ay isa nang aktuwal at legal na mandato ng gobyerno sa ilalim ng Universal Health Care Act.

Pero ngayon, ginutay-gutay na ito ng mga mismong institusyon na nangakong magpoprotekta rito. Hindi lamang basta pinagkaitan ng budget ang PhilHealth ngayong 2025 — tinangay pa ang pondo nito na nagkakahalaga ng P89.9 bilyon. Ito ang pondong inilaan ng batas sa mga serbisyong pangkalusugan sa pamamagitan ng kita sa sin tax. Ang perang iyon, nailipat na sa walang linaw at lantad sa korupsiyong katotohanan ng pork-barrel politics.

Sa kung anumang dahilan — na pawang suspetsa lang ng publiko — may napatungan nang probisyon sa 2024 General Appropriations Act at sa Department of Finance memorandum na nagsasabing gagamitin ng mga awtoridad ang ‘unused funds’ mula sa GOCCs. Oo, kasama riyan ang pondo ng PhilHealth dahil sa pagiging available.

Pero kahit na nakatengga ang pondo, protektado pa rin ito ng batas, bantay-sarado para saklawin ang dalawang taon nang posibleng budget exposure ng state health insurance. Hindi sana tinapalan ng Kongreso at ng chief resident sa Palasyo ang mga umiiral nang batas gamit ang mga backdoor memo habang umaasa na patuloy silang pagtitiwalaan ng publiko.

Noong nakaraang linggo mistulang natauhan si President Marcos — totoo man o scripted — sa integridad at kahusayan ng kanyang buong Gabinete, dapat na naging prayoridad niya ang pagbanggit tungkol sa healthcare.

Naglabas na ang Korte Suprema ng temporary restraining order sa huling bahagi ng paglilipat-pondo. Pero ang pagpapaliban sa pagdedesisyon sa kaso ay nagpatagal lang sa pagdurusa. Ito ang panahon na kailangan ang agarang pagresolba. Dapat nang magpasya ang Korte at agad-agad: isauli ang pondo, ipatupad ang batas, at tigilan na ang sistematikong pananabotahe sa healthcare na ipinagkakaloob ng gobyerno.

Hindi premyo sa pagboto ang pangangalagang pangkalusugan. Karapatan ito ng publiko. At panahon na para maipaalala ito sa Malacañang at sa Kataas-taasang Hukuman.

*         *         *

SHORT BURSTS. Para sa mga komento o reaksiyon, mag-email sa [email protected] o mag-post sa @Side_View sa X app.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Robert B. Roque, Jr.

Check Also

Aksyon Agad Almar Danguilan

Desperate move kina PBBM, ES Recto…pero bokya sa ebidensiya

AKSYON AGADni Almar Danguilan TIRANG personal – usong-usong ito sa away politika. Madalas nangyayari ang …

Firing Line Robert Roque

US funding cuts, dagok sa Filipinas

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. SA UMPISA ng taon, malinaw ang mensahe ni US …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Magaan ang bisikleta, mabigat ang katotohanan
ALUMINYO, MANGGAGAWA, AT PANAWAGAN SA INDUSTRIYALISASYON

PADAYONni Teddy Brul MAHALAGANG deposito ng Karst bauxite sa Paranas, Samar, na naglalaman ng aluminyo …

Aksyon Agad Almar Danguilan

 “Sorsogon gold standard”pamarisan sa paggawa ng mga kalsada

AKSYON AGADni Almar Danguilan MUKHANG unti-unti nang tinatalikuran ng Department of Public Works and Highways …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Impeachment o sawsaw isyu lang?

AKSYON AGADni Almar Danguilan HINDI naman tayo nanghuhusga pero ano itong nangyaring pag-iingay sa Kamara …