Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Carmi Martin Aki Blanco Jaime Fabregas Rosanna Hwang

Aki Blanco no-no muna sa pagpapa-sexy

RATED R
ni Rommel Gonzales

VIVA artist si Aki Blanco. Mapapanood ba siya sa VMX na dating Vivamax?

Ah, hindi po,” ang nakangiting reaksiyon ng binata.    

Papayag ba siya kung may offer ang VMX na seksi pero maganda naman ang role at kuwento?

Siguro po, depende sa story, sa script.”

Co-managed si Aki ng Viva at ni Tyrone Escalante.

Bida si Aki sa The Last 12 Days movie ng Viva One at Blade PH na streaming sa 80 bansa simula Disyembre 2024.

Sila ni Mary Joy Apostol ang mga bida rito.

Bakit pumayag siya na maging support sa pelikulang Isang Komedya Sa Langit nina Jaime Fabregas, EA Guzman, Gene Padilla, at Carmi Martin?

For me sobrang go lang po, sobra,” bulalas ni Aki.

Kasi kasama ko sina tito Jaime, sina Ms. Carmi, marami po akong matututunan sa kanila rito.

“Pantay-pantay po lahat ng characters po namin dito kapag napanood niyo po ‘yung movie. And iyon, the best, nakakatawa, sino tito Gene, masayang kasama sa set, the best!”

Pagpapakilala ni Aki sa kanyang papel sa pelikula, “Ako po rito si Marco, isang happy-go-lucky na estudyante at mami-meet ko po ‘yung tatlong pari, iyan sina tito Jaime, tito Gene at saka si EA and iyon po si Ms. Carmi kami po ‘yung magkakasama sa adventure na ito na napakasaya.”

Sa panulat at produksiyon ni Rossana Hwang ng Kapitana Entertainment Media, ang Isang Komedya Sa Langit ay idinirehe ni Roi Paolo Calilong.

Mapapanood ang Isang Komedya sa Langit sinula May 28 sa mga sumusunod na SM cinemas— SM North Edsa, SM Cebu, SM Southmall, SM Fairview, SM Manila, SM Davao, SM Mall Of Asia, SM Marikina, SM Aura Premier, SM Seaside Cebu, SM Megamall, SM Grand Central, SM Clark, SM Dasmariñas, at sa Greenhills Theater.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia

Kompositor ng Kayong Dalawa Lang bata pa

MA at PAni Rommel Placente KOMPOSISYON ng CEO at presidente ng Purple Hearts na si Love Kryzl, ang Kayong …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Kayong Dalawa Lang regalo ni Love Kryzl kina Kiray at Stephan

OPISYAL nang inilabas ang Kayong Dalawa Lang, original love song ng batang CEO ng Purple Hearts na si Love …

Archangels Family Gala Night

Top hosts & contributors kinilala sa Archangels Family Gala Night  

MATABILni John Fontanilla MATAGUMPAY ang ginanap na Archangels Family Gala Night 2025 noong November 27, 2025 sa …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …