Saturday , January 10 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Dragon Lady Amor Virata

Political dynasty mahirap nang mabura sa gobyerno

Isumbong mo
kay DRAGON LADY
ni Amor Virata

NAKATATAWA si VP Sara Duterte, nahawa na sa pagkaluka-luka ni Senator Imee Marcos. Gusto umano ni VP Sara na tuldukan ang political dynasty sa bansa. ‘Di ba nakaloloka? E alam naman ng lahat na ang Davao City ay pinaghaharian ng Duterte clan dynasty?!

Parang sinabi ni VP Sara na gibain ang political dynasty sa mga siyudad sa kalakhang Maynila gaya ng lungsod ng Pasay at Parañaque. Sa nakalipas na halalan, nagwagi ang magkapatid na Edwin at Eric Olivarez, sa Pasay City ay ang magkapatid na Emi Calixto-Rubiano at Antonino Calixto. Nasundan pa ng pagkapanalo ni Vice Mayor Mark Calixto at District 2 Councilor Luigi Calixto. Apat na apelyidong Calixto sa Pasay, sa Parañaque ay tatlong Olivarez na.

Sa opinyon ng inyong lingkod, walang masama kung magkakapatid, mag-ama o magkamag-anak ang nanalo sa halalan dahil magkakaisa sila sa magandang programa at mga proyekto na ang makikinabang ay ang kanilang mga constituents.

Mga botante ang nagluklok sa kanila, ibinoto sila kaya tigilan na ni VP Sara ang kadadakdak ng mga walang kuwenta dahil naghahanap lamang siya ng maraming kaaway.

Sakaling maudlot ang impeachment laban sa kanya at tumakbo siyang Pangulo ng bansa sa 2028, huwag na siyang umasa na iboboto siya ng mga kasapi ng political dynasty.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Amor Virata

Check Also

Aksyon Agad Almar Danguilan

Bakit hindi dapat agad paniwalaan si Bernardo

AKSYON AGADni Almar Danguilan BAGONG TAON ng 2026 na pero nananatiling walang napaparusahan na “big …

Firing Line Robert Roque

Prangka kaysa pakitang-tao

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. KUNG napanood mo ang recent episode ng “Storycon” sa …

Sipat Mat Vicencio

Kapag bumaliktad si Martin Romualdez, lagot si Bongbong

SIPATni Mat Vicencio NAGKAKAMALI si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., kung inaakalang ligtas na ang …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Rep. Romualdez, dapat kasuhan sa flood control corruption — DPWH Sec. Dizon

AKSYON AGADni Almar Danguilan NANINDIGAN si  Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary Vince …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Opisyal ng BOC at mga tauhan nito pinaiimbestigahan sa isyu ng smuggling

AKSYON AGADni Almar Danguilan PINAIIMBESTIGAHAN sa Malakanyang ang umano’y smuggling activities at korupsiyon sa Bureau …