Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Aksyon Agad Almar Danguilan

Sa pangarap ni PBBM na 5-minute police response, PMG Torre III is the answer…

AKSYON AGAD
ni Almar Danguilan

NAPANOOD natin sa social media ang isang panayam kay Pangulong Bongbong Marcos. Inihayag ng Pangulo na isa sa pangarap niya ay ang mabilis na responde ng Philippine National Police (PNP) sa nangyari/nangyayaring krimen.

Limang minuto ang nais ng Pangulo — kung maaari daw ay sa loob ng limang minuto (or less) ay nasa crime scene na ang mga pulis para makapagbigay tulong sa biktima at maaresto agad ang salarin.

Naniniwala si PBBM na posible ito kapag bawat kanto ay may nakatalagang pulis upang sa gayon ay mabilis ang pagresponde bukod sa nasasawata agad ang isang krimen na pinaplano ng mga kriminal.

Binanggit din ng Pangulo, sa pamamagitan ng presensiya ng pulisya sa lansangan o bawat kanto ay magbubunga ito ng pagkakakaibigan ng sibilyan at pulis.

Napakaganda ng nais mangyari ng Pangulo na kung susuriin ang magbebenepisyo dito ay ang mamamayan.

Marahil, iniisip ng ilan na napakaimposible ng pangarap ni PBBM dahil kung pagbabasehan ang mga nangyayari ngayon ay maraming kriminal ang nakalulusot lalo ang mga itinuturing na ‘street criminals’ tulad ng snatchers, and the likes. Tama naman.

Pero nothing is impossible — ‘Ika nga ng mga gustong maging posible ang pangarap ni PBBM. Yes, if there’s a will, there’s a way, ‘ika nga.

Ang tanong posible ba ang 5-minute response ni Pangulong Marcos Jr.?

Oo naman, posibleng, posible…puwedeng, puwede! Katunayan, may kasagutan na riyan sa pangarap ni PBBM. Actually, hindi lang may kasagutan at sa halip, nasagot na o nangyari na. Ibig sabihin, nagawa na ito ng PNP. Yes, ito ay sa katauhan at pamumuno ni PMaj. Gen. Nicolas Torre III, Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) chief. Gano’n? Oo naman, nagawa na at nais niyang maipagpatuloy ito kung …mamarapatin.

Nagawa at pinatunayan na ni MG Torre III na posible ang nais ni PBBM. Noong si MG Torre III ang District Director ng Quezon City Police District (QCPD), kanyang inimplementa ang 3-minute response. Yes, 3 minutes at hindi 5 minutes. Ang resulta ay positibo — ito ay kanyang pinatunayan sa harap ng publiko at magng sa mga mamamahayag.

Tumawag kami sa isang kaibigan na nasa labas para tumawag sa QC Dial 122 — 3-minute response at kunwari ay kailangan ang tulong  pulisya. At ginawa nga ito. pagkatanggap ng tawag —  doon sisimulan ang bilangan ng tatlong minuto.  Agad na itinawag ang alarma sa mga pulis na nakatalaga sa labas o sa pinakamalapit na lugar.

Hayun, sa loob nga ng tatlong minuto ay nakarating ang mga pulis sa bahay ng aming kaibigan. Ganoon kabilis ang responde. Well, aminado naman ang heneral na kung minsan ay umaabot sa 5 minuto ang pagresponde pero iyan na ang maximum time.

Hindi lamang sa praktis pinatunayan ni MG Torre III ang 3-minute response kung hindi maging sa aktuwal — maraming beses itong napatunayan sa QCPD — naaaresto agad ang mga salarin. Kaya solve agad ang krimen.

Nang maging Regional Director si MG Torre sa PRO 13, kanya rin ipinatupad ang itinaguyod niyang programa.

Kaya ang pangarap ni PBBM na 5-minute response ay hindi imposible kung hindi puwedeng-puwede. Hindi lang ito hanggang pangarap kung hindi natupad na at kung mamarapatin ay maipatutupad ito ni PNP Chief este, CIDG chief Maj. Gen. Torre III sa buong bansa.

Nasaksihan din naman natin kung gaano magtrabaho at mamuno si MG Torre III.  Siya lamang ang natatanging District Director, Regional Director, at CIDG chief na nangunguna sa operasyon o sinasamahan mismo sa ‘battle field’ ang kanyang mga opisyal at tauhan.     

Kaya, kung nais ni PBBM na maipatupad sa buong bansa ang quick response na gusto niya — ang pagresponde sa loob ng limang minuto…alams na. MGen. Torre III is the man.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Almar Danguilan

Check Also

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kapag tama ang paggamit ng pondo, lahat tayo panalo

AKSYON AGADni Almar Danguilan SA RAMI ng ingay na nilikha ng balita tungkol sa pagbabalik …

Aksyon Agad Almar Danguilan

500k TPMM raliyista safe sa seguridad ng QCPD

AKSYON AGADni Almar Danguilan HINDI sapat ang salitang “Salamat QCPD” sa pagbibigay seguridad sa halos …

Dragon Lady Amor Virata

Si general social media at tv ang gusto, ayaw sa diyaryo, para sikat!

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata SINO itong General na binara-bara ang mga diyarista at …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Tsismis vs katotohanan

AKSYON AGADni Almar Danguilan MARAMI nang naganap na pagdinig sa Blue Ribbon Committee tungkol sa …

Sipat Mat Vicencio

Chiz, Jinggoy ‘patay na ang karera sa politika’

SIPATni Mat Vicencio DAHIL sa iba’t ibang kontrobersiyang kinakaharap nina Senator Chiz Escudero at Senator …