Saturday , January 31 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Patani Dano

Patani Dano nalungkot nang ‘di ini-renew ng Sparkle

ISA sa maituturing na masuwerte sa naging katas ng Survivor Philippines Batch 1 ang komedyanang si Patani Dan̈o, na hangang ngayon ay nasa industriya pa at kaliwa’t kanan ang proyekto.

Kuwento ni Patani, “Nagpapasalamat ako unang-una sa Diyos dahil hindi niya ako pinababayaan at lagi niya akong binibigyan ng projects.

Pangalawa sa mga taong nagtitiwala na kunin ang aking serbisyo sa kanilang mga proyekto.”

Ani Patani sobra siyang nalungkot nang hindi nai-renew ng Sparkle ang kontrata niya. Naisip 

 niya noon na paano na siya, saan siya kukuha ng proyekto?

Sobrang nalungkot ako noong sinabi sa akin na hindi na iri-renew ‘yung contract ko sa Sparkle, natakot ako at nasabi ko sa sarili ko na paano ako? Saan ako kukuha ng project?

“Inisip ko rin na kung saan ako kukuha ng pambayad ng bills, renta ng bahay, pambili ng pagkain atbp.

“Mabuti na lang may mga taong naniniwala pa rin sa talento ko at kinukuha ako kaya ako naka-survive at ngayon nga ay sunod-sunod ‘yung projects na ginagawa ko.

Kakatapos ko lang mag-shooting ng movie na ‘Aking Mga Anak’ ng DreamGo Productions na makakasama ko sina Hiro Magalona, Natasha Ledesma, Ralph Dela Paz, Jace Salada atbp. directed by Jun Miguel.

“May isa pa akong film, ‘yung ‘Promdi from the heart’ directed by  Errol Ropero under Camerrol Entertainment Productions. Nag-guest din ako sa ‘Encantadia.’

May mga paparating pa akong projects sana matuloy, kasi hangga’t hindi pa gumigiling ang kamera ayoko muna sabihin baka maudlot,” pagbabahagi ni Patani.

Isa sa pangarap ni Patani na makatrabaho ang Box Office Queen na si Kathryn Bernardo.

Dream ko na makatrabaho si Kathryn Bernardo na bukod sa mabait sa katrabaho ay ubod pa ng galing umarte,” anito.

Bukod sa pagiging artista ay isa na ring ambassador si Patani.

Bale kakapirma ko lang din ng contract sa Smile360 Dental Clinic na pag-aari nina Doctor Michael Gonzales at Ms Janah Gonzales.

“’Pag wala naman akong taping or shooting, regular live seller ako ng mga original second hand bags Tres Chic Luxury Origina na pag-aari ni Doc. Jhen Boles.”

Katatanggap din ng award ni Patani sa 10th Southeast Asian Achievement Awards bilang Most Promising Artist and  Celebrity Online Seller.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Babys Day Out sa Bohol

Gumala habang nag-aaway si nanay at tatay
Baby’s day-out sa kanyang first birthday

NAALALA ba ninyo ang pelikulang Baby’s Day Out noong 1994?         Puwes nangyari ang isang …

Landers Fairview Fire

LANDERS SUPERSTORE SA FAIRVIEW NATUPOK
5 fire volunteers iniimbestigahan

ni ALMAR DANGUILAN TILA BUONG-BUONG nilamon ng apoyang sangay ng Landers Superstore sa kanto ng …

arrest, posas, fingerprints

Nagpanggap na pulis, kelot timbog sa panloloko

ARESTADO ang isang lalaki matapos magpanggap na pulis at manloko ng isang tindero sa pamamagitan …

Dead body, feet

8-anyos anak patuloy na hinahanap, bangkay ng aleng pulis natagpuan

NATAGPUAN ang wala nang buhay na katawan ng isang babaeng pulis na mahigit isang linggo …

FDNY China WPS

Mga Makabayang Grupo Kinondena ang Agresyon ng China sa West Philippine Sea

Nagdaos ng kilos-protesta ang Filipinos Do Not Yield Movement (FDNY), kasama ang mga lider at …