Saturday , January 31 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Dead body, feet

67-anyos Lolo todas sa hataw ng martilyo

HINDI nakaligtas sa kamatayan ang isang senior citizen matapos hatawin ng martilyo ng tatay ng lalaking kanyang  sinita at itinulak kamakalawa ng gabi sa Brgy. Kaligayahan, Quezon City.

Naisugod pa sa Bernardino Hospital ang biktimang si Aniceto Fernandez Tuquero, 67, pintor, residente sa Brgy. 176, Bagong Silang, Caloocan City ngunit namatay makalipas ang ilang oras.

Ksalukuyang pinaghahanap ang suspek na kinilalang isang Bong de Guzman, 45 anyos, naninirahan  sa Brgy. Kaligayahan, Quezon City

Sa imbestigasyon ng Quezon City Police District-Criminal Investigation and Detection Unit (QCPD-CIDU), nangyari ang insidente dakong 8:10 ng gabi nitong Martes sa Amethyst HOA, Zabarte Road, Brgy. Kaligayahan, ng nabanggit na lungsod

Bago ang insidente, naglalakad ang mga saksing sina Jeffrey de Jesus, menor de edad na kinilala bilang AYG, at Manuel Domingo matapos ang inuman sa  bahay ng huli.

Nakasalubong ng tatlo ng  biktima at nagtanong kung sila ay mga sdik. Tumugon si Domingo ng hindi pati si si AYG pero itinulak ng biktima kaya nalaglag ang karga-kargang 7-buwang gulang na anak nito.

Nakita ng suspek ang nangyari kaya sinita ang biktima at hinataw ng martilyo sa ulo.

Agad tumakas ang suspek matapos ang krimen.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Babys Day Out sa Bohol

Gumala habang nag-aaway si nanay at tatay
Baby’s day-out sa kanyang first birthday

NAALALA ba ninyo ang pelikulang Baby’s Day Out noong 1994?         Puwes nangyari ang isang …

Landers Fairview Fire

LANDERS SUPERSTORE SA FAIRVIEW NATUPOK
5 fire volunteers iniimbestigahan

ni ALMAR DANGUILAN TILA BUONG-BUONG nilamon ng apoyang sangay ng Landers Superstore sa kanto ng …

arrest, posas, fingerprints

Nagpanggap na pulis, kelot timbog sa panloloko

ARESTADO ang isang lalaki matapos magpanggap na pulis at manloko ng isang tindero sa pamamagitan …

Dead body, feet

8-anyos anak patuloy na hinahanap, bangkay ng aleng pulis natagpuan

NATAGPUAN ang wala nang buhay na katawan ng isang babaeng pulis na mahigit isang linggo …

FDNY China WPS

Mga Makabayang Grupo Kinondena ang Agresyon ng China sa West Philippine Sea

Nagdaos ng kilos-protesta ang Filipinos Do Not Yield Movement (FDNY), kasama ang mga lider at …