Wednesday , December 17 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Fire

Sa Sta. Mesa, Maynila  
Magpinsang paslit tostado sa sunog

NATAGPUANG sunog na sunog ang magpinsang paslit na unang iniulat na nawawala sa naganap na sunog sa Sta. Mesa kamakalawa ng hapon, 19 Mayo.

Iniulat na ang magpinsang paslit ay nakulong sa nasusunog nilang tahanan nang maganap ang sunog.

Hindi pa pinangalanan ang mga biktima na ayon sa mga awtoridad ay hindi na makilala dahil sa matinding pagkasunog ng kanilang mga katawan.

Batay sa ulat ng Manila Bureau of Fire Protection (BFP), dakong 3:42 ng hapon nang magsimulang sumiklab ang sunog sa tahanang pagmamay-ari ng isang alyas Nora, sa Road 12, Phase 1, Brgy. 628, sa Sta. Mesa.

Ayon kay Fire Sr. Insp. Cesar Babante, Station 2 commander ng BFP-Manila, unang iniulat na nawawala ang mga biktima.

Ang mga natupok na bangkay ay natagpuan dakong 10:14 ng gabi sa ilalim ng mga debris ng nasunog na bahay.

“Meron po tayo naitala, dalawang casualty. Ito po ay na-retrieve na namin at nadala na po sa punerarya. Beyond recognition na po. Kasi totally burned na po talaga,” ani Babante.

Nahirapan din aniya sila sa pag-apula ng apoy dahil sa malakas na hangin sa kasagsagan ng sunog. 

Anang BFP, umabot sa ikaapat na alarma ang sunog bago naideklarang fire under control dakong 6:50 ng gabi. Tuluyang naapula ang sunog 3:05 ng madaling araw ng Martes.

Sa pagtaya ng mga awtoridad, nasa 220 pamilya ang apektado ng sunog na tumupok sa 50 kabahayan.

Sa imbestigasyon, sinabing posibleng ‘electrical’ ang pinagmulan ng sunog na tinatayang P400,000 halaga ng ari-arian ang napinsala.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Alex Eala

Alex Eala tiyak na ang bronze medal sa dominadong panalo laban sa Malaysian

NONTHABURI – Tiniyak ni Alex Eala na may isa pa siyang medalya sa 33rd Southeast …

Elreen Ann Ando SEAG

Ando nagbigay ng unang gintong medalya ng Pilipinas sa weightlifting

CHONBURI – Siniguro ni Elreen Ando ang unang gintong medalya ng Pilipinas sa weightlifting sa …

SM MSMEs Wall of Champions

SM Supermalls Unveils the 2025 Wall of Champions, Honoring Filipino MSMEs

2025 MSME Awardees and finalists gather at the SM for MSMEs Wall of Champions, joined …

Aspin Kobe Putol Dila

Naputol na dila ng aso resolbado na
‘Dog eat dog’ literal na naganap sa kaso ng Aspin na si Kobe

HINDI TAO kundi kapwa aso ang suspek sa pagkaputol ng dila ng Asong Pinoy (AsPin) …

Krystall herbal products

42-anyos BPO employee “open secret” paggamit ng Krystall Herbal Products sa kanyang co-workers

Back to BasicNATURE’S HEALINGni Fely Guy Ong Dear Sis Fely Guy Ong,                 Isang magandang …