PATAY ang isang lalaki matapos pagbabarilin ng isang armadong nakamotorsiklo sa Brgy. San Roque, Baliwag City, Bulacan kamakalawa ng gabi.
Sa ulat na ipinadala ng Baliwag Municipal Police Sation (MPS) kay P/Colonel Franklin Estoro, provincial director ng Bulacan PPO, ang biktima ay kinilalang si Leonardo Guidote y Santos, residente sa Brgy. Paitan, Baliwag City.
Ang suspek na kasalukuyang tinutugis ng pulisya ay hindi kilalang lalaki na nakasuot ng mahabang manggas, pantalong maong, at itim na bonnet, sakay ng puting motorsiklong Yamaha Mio.
Lumabas sa inisyal na imbestigasyon, base sa salaysay ng testigo, habang binabagtas ng biktima ang Guadalupe St., patungo sa kanilang tahanan sa Brgy. Paitan, Baliwag City, Bulacan, sakay ng itim na Honda Click, walang plaka, isang hindi kilalang lalaking sakay ng puting motorsiklong Yamaha Mio Sporty, ang sinadyang barilin ang biktima na tinamaan sa iba’t ibang bahagi ng katawan gamit ang 9mm pistol at agad na tumakas sa hindi malamang direksiyon.
Dead on the spot ang biktima habang tinutugis ng mga tauhan ng Baliwag CPS ang suspek. (MICKA BAUTISTA)
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com