Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Kasong parricide iniatras ng pulis vs yumaong misis

Kasong ‘parricide’ iniatras ng pulis vs yumaong misis

BINAWI na ng padre de familia ng mag-iinang nasawi sa sunog sa Sta. Maria, Bulacan, ang kasong Parricide laban sa ina ng kanyang mga anak makaraang bawian ng buhay sa isang ospital sa Quezon City nitong 17 Mayo.

               Sinabi ng mga awtoridad nag-execute ng “Affidavit of  Desistance” ang padre de familia, kinilalang si Kim Aspero, isang pulis na sinabing nakatalaga sa Batangas.

               Si Aspero ang tatay ng tatlong batang lalaki na sinabing sinunog ng sariling ina sa Barangay San Vicente, Sta. Maria, Bulacan noong nakaraang Huwebes, 15 Mayo.

               Sa naantalang ulat mula sa Santa Maria Municipal Police Station, kinilala ang mga biktima na sina Joycie Aspero y Rodrigo, 31 anyos, ina; mga anak na sina Kairo Aspero, 1 anyos; Kyle Andres Aspero, 3 anyos; at  Kimuel Zeian Aspero, 6 anyos, pawang naninirahan sa B24 L26 Joshua St., San Vicente Homes, San Vicente, Santa Maria.

Napag-alaman na bago naganap ang insidente ay nagkaroon ng hindi pagkakaunawaan ang biktimang si Joycie at mister niya na humantong sa usaping pambarangay.

Ayon kay Brgy. Captain Tootsie Lorenzo, nagreklamo sa kanilang tanggapan ang nasawing ginang at naghain ng reklamo laban sa kanyang mister kaya nagtakda sila ng araw para i-settle ang problema ng mag-asawa.

Pero bago naganap ang takdang araw ng paghaharap ay naganap na nga ang sunog na ikinasawi ng mag-iina habang ang ama ng tahanan ay nasa Batangas at nagtatrabaho.

Sa ulat mula sa Santa Maria MPS, sa kanilang imbestigasyon, nabatid na sinadyang sinunog ng ina ang kanyang sarili pati ang tatlong anak at lumilitaw na ito ay dahil sa depresyon.

Ang mga batang biktima ay naisugod pa sa pagamutan ng mga rescuers pero nalagutan na rin ng mga hininga samantala ang inang si Joycie na isinugod sa East Avenue Medical Center, ay nagawa pang sampahan ng kasong “Parricide” sa Office of the Provincial Prosecutor, City of Malolos, Bulacan ng asawang si Kim.

Kinalaunan ay namatay rin si Joycie at ang nagreklamong si Kim Aspero ay nag-execute ng “Affidavit of Desistance” na sinumpaan sa harap ng duty prosecutor.

Viral sa social media ang nasabing malagim na insidente, habang marami ang nagsasabing si Joycie ay dumaranas ng depresyon dulot ng postpartum syndrome.

Sinisi ng ibang netizens ang kawalan ng suporta ng asawang lalaki sa kanyang misis ganoon din umano ang in-laws na inireklamong pinagmumulan ng hindi pagkakasundo ng mag-asawa.

Humiling at nakiusap ang pamilya ng babae na tantanan na ang pagbibigay ng opinyon sa social media ng netizens dahil hindi umano nakatutulong sa dinaranas nilang pagdadalamhati. (MICKA BAUTISTA)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Micka Bautista

Check Also

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

Porac Pampanga

Porac, Pampanga Mayor Capil sumuko nagpiyansa ng P.63-M para sa kasong graft

SUMUKO si Porac, Pampanga Mayor Jaime Capil nitong Martes, 2 Disyembre, sa Pasig City RTC …

Nag-alok ng droga binoga babaeng tulak tigbak sa Antipolo

Sa Antipolo
Nag-alok ng droga binoga babaeng tulak tigbak

PATAY ang isang babae matapos barilin ng lalaking sinabing inalok niyang bumili ng ilegal na …