Sunday , January 11 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Carmi Martin Aki Blanco Jaime Fabregas Rosanna Hwang

Carmi nahanap ng produ sa kapitan ng barangay

RATED R
ni Rommel Gonzales

NAKATUTUWA ang kuwento kung paano nakuha si Carmi Martin para gumanap na Naty sa pelikulang Isang Komedya Sa Langit.

Nahanap ng producer na si Rosanna Hwang si Carmi sa tulong ng isang… barangay chairman!

“Hinanap niya ako roon sa aming barangay chairman, ng Magallanes,” natatawang kuwento sa amin ni Carmi.

At hindi lamang iyon, pati ang co-star ni Carmi sa Isang Komedya sa Langit, ang beteranong aktor na si Jaime Fabregas, ay sa kapitan din ng village nila nakuha ng producer para sa pelikula. Magkapitbahay sina Carmi at Jaime.

Gaganap si Carmi bilang isang lola sa pelikula.

“Nagtitinda, biyuda at may inaalagaang apo,” nakangiting kuwento ni Carmi.

Apo niya rito si Aki Blanco na gaganap bilang si Marco.

Comic role ang mapapanood kay Carmi sa nabanggit na pelikula, pero may mga eksena siya ng iyakan sa pelikula na mapapanood sa mga sinehan sa May 28.

“Yes, mayroong drama, mayroon din comedy.”

Bukod kina Carmi, Jaime, at Aki ay nasa pelikula rin sina EA Guzman, Gene Padilla, at John Medina, sa direksiyon ni Roi Paolo Calilong, mula sa Kapitana Entertainment Media.

Mapapanood ang Isang Komedya sa Langit sa mga sumusunod na SM cinemas—SM North Edsa, SM Cebu, SM Southmall, SM Fairview, SM Manila, SM Davao, SM Mall Of Asia, SM Marikina, SM Aura Premier, SM Seaside Cebu, SM Megamall, SM Grand Central, SM Clark, SM Dasmariñas, at Greenhills Theater.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Andrew E

Andrew E dagsa ang fans, mamamahagi ng collectibles

HARD TALKni Pilar Mateo MAILALARAWAN ang master rapper of this era, Andrew E. bilang livin’ …

Encantadia Chronicles Sanggre

Encantadiks tuloy-tuloy ang panalo

RATED Rni Rommel Gonzales SOBRANG lakas ng Encantadia Chronicles: Sang’gre sa primetime. Base sa overnight NUTAM People …