Saturday , January 10 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Alynna Velasquez Im Feeling Sexy Tonight

Alynna nagpasalamat kina Rachel at Ali

HARD TALK
ni Pilar Mateo

IT took a long while for singer Alynna (Velasquez) to make a comeback. Salamat sa pagpu-push sa kanya ng mga taong naniniwala sa kanyang talento.

Ang simula ngayon, ang pagsalang niya in a very intimate show titled I’m Feeling Sexy Tonight sa Viva Café. Nagkaroon ng chance ang mga press friends niya para sa mga kwentong inaasahan sa kanya bilang matagal nang karelasyon ng namayapang Kilabot ng mga Kolehiyala na si Hajji Alejandro.

Lubos ang pasasalamat ni Alynna sa dalawa sa mga anak ni Hajji na sina Rachel at Ali sa pag-reach out sa kanya at pagbibigay ng pagkakataon na makasama si Hajji sa mga huling sandali ng buhay nito.

Akala nga raw ni Alynna, si Rachel ang  hindi niya makakasundo sa mga anak ni Hajji.

Maraming ibinintang sa kanya pero hindi niya na nga niya inalintana. Dahil kahit anupaman ang pinagsaluhan nila ni Hajji lalo sa mga bagay na materyal ay hindi niya hinabol o pinansin. Dahil hindi naman daw ‘yun ang habol niya sa minahal niyang tao.

Oo. Nag-offer ng kasal sa kanya si Hajji. At matinding sinususugan ito ni Rico J. Puno na gusto nga na maging mag-asawa na sila.

Nasa isang tour sila noon sa Amerika. Pero mas pinili ni Alynna na intindihin ang nararamdaman ng nga anak nito.

“Kanina ko nga lang nakita itong silver ring lang na magka-terno kami. Itinatago ko kasi talaga ito na isa sa magandang bagay na pinagsaluhan namin.” 

Paboritong kantahin ni Hajji sa kanya ang The Way You Look Tonight (Frank Sinatra). At kapag nga siya ang nag-aasikaso sa mga technical needs nito sa show pinakakanta pa raw siya ni Hajji. At ang gusto naman niyang laging kinakanta for Hajji ay ang Longer (Than) ni Dan Fogelberg.

Paakyat na sa karera niya bilang isang singer si Alynna na mas pinili niyang sundin ang nais ni Hajji na manatili na lang sa tabi niya.

Ang nakita at nakilala niyang napaka-supladong tao ay muli niyang nakita sa isang event na kasama niya si Rico J. At akala pala ni Hajji ay siya ang girlfriend ni Rico. Kaya noong minsang lumabas sila na ‘di sumama si Rico, sila ni Hajji ang tumuloy.

The rest is history. And their wondeful journey as a couple.

Kahit nga may condo sila na binili ni Hajji ay hindi na raw niya ito hinabol o inasikaso pa. Kaya sa pagiging homeless niya ngayon, nasa piling siya ng pamilyang patuloy na nagmamahal at sumusuporta sa kanya, mula sa dakilang inang si Edith.

At mga producer na gaya nina Edith Fider, Marynette Gamboa, Liz Alindogan, at Tita Doray Rhodora Morales na susuportahan din siya in her next concert sa mas malaki-laking venue na sa Music Museum sa June 2025. And a teleserye.

She’s still got the voice and the sultry appeal!

To feel sexier now more than ever.  

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Pilar Mateo

Check Also

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Andrew E

Andrew E dagsa ang fans, mamamahagi ng collectibles

HARD TALKni Pilar Mateo MAILALARAWAN ang master rapper of this era, Andrew E. bilang livin’ …

Encantadia Chronicles Sanggre

Encantadiks tuloy-tuloy ang panalo

RATED Rni Rommel Gonzales SOBRANG lakas ng Encantadia Chronicles: Sang’gre sa primetime. Base sa overnight NUTAM People …

Cassy Legaspi

Cassy sa serye ng kanilang pamilya: this is our love letter

RATED Rni Rommel Gonzales THANKFUL din si Cassy Legaspi sa seryeng pinagbibidahan ng kanilang buong pamilya, ang Hating …