Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Aksyon Agad Almar Danguilan

QC Mayor Joy B, at VM Sotto, tuloy ang serbisyo sa QCitizen

AKSYON AGAD
ni Almar Danguilan

NAKATATABA sa puso nina Quezon City Mayor Joy Berlmonte (re-elect) at Vice Mayor Gian Sotto ang ipinamalas na pagtitiwala at pagmamahal sa kanila ng milyong QCitizens sa katatapos na halalan.

Paano ba naman, sinuklian ng QCitizens ng kanilang pagpapasalamat si Mayor Joy B sa pamamagitan ng  1,030,730 boto dahil sa mga nagawa niya sa lungsod simula nang maupong alkalde.

Iba’t ibang programa at  proyekto – pang-edukasyon, pangkalusugana, pabahay, etc, ang ginawa ng alkalde sa lungsod na ang tanging mga nakinabang ay QCitizens.

Hayun, dahil sa mga matagumpay na proyekto at programa ng alkalde, nakalikom nang higit sa isang milyong boto. Nakapagtala ang alkalde ng “history” sa lungsod pagdating sa botohan dahil natatanging  si Mayor Joy B palang ang elected mayor sa lungsod ang nakakuha ng  mahigit sa isang  milyong boto.

Well, sa ayaw at sa gusto naman ng QCitizens, ito ang pinal at ikatlong termino ni Mayor Joy para paglingkuran sila bilang alkalde. Pero huwag mag-alala my dear QCitizens, maaari naman bumalik si Mayor Joy sa pagka-alkalde sa mga susunod pang taon at inaasahan namang magpapatuloy ang kanyang serbisyo  sa inaasahang susunod niyang posisyon – congresswoman. Iyong nga lang, limitado dahil sa isang distrito na lamang ang kanyang masasakupan.

Tiniyak ng alkalde na sa kanyang pinal na termino ay gagawin niyang mas makahulugan ito para sa QCitizens.

“I assure every QCitizen that the next three years will be the best of my life as a public servant,” pahayag ni Mayor Joy matapos ang kanyang landslide victory sa 2025 mayoral race. “I will give everything I’ve got—my energy, my passion, my dedication—to fulfill the dreams of our people for a better, more inclusive, and more progressive Quezon City.”

Nagpasalamat din ang alkalde sa Panginoong Diyos.

Samantala, si QC Vice Mayor Gian Sotto naman ay nakakuha din ng botong 938,686. Patunay din ito ng pagmamahal at pagtitiwala sa kanya ng QCitizens. Tulad ni Mayor Joy, sinuklian din si VM Gian ng pagmamahal ang kanyang mga matagumpay na programa at proyekto na ang naging  benepisaryo ay ang QCitizens.

History din in the making si VM Sotto para sa halalan ng lokal na pamahalaan  matapos na makakalap ng halos isang milyong boto.

Ibig sabihin, magpapatuloy ang susunod na alkalde ng lungsod sa paglilingkod kahit na ito na ang kanyang pinal na termino sa pagka-bise alkalde na maaari niyang ipagpatuloy ang lahat (programa at proyekto) niya  sa susunod niyang posisyon – alkalde. Hoping for God’s will for 2028 election.

Sa pagkapanalo uli ni VM Sotto, siya’y lubos na nagpapasalamat sa QCitizen sa pagtitiwala sa kanya at higit sa lahat ay nagpapasalamat siya sa Panginoong Diyos.

“Sa Diyos ang pag-asa. Maraming salamat po, QCitizens. Lord, I have no idea about your plans but I trust you with all my heart. Lord let your will be done,” isa sa pagpupuri ni VM Gian sa Panginoong Diyos (hango sa official FB ni VM Sotto).

Sa pagkapanalo nina Mayor Joy at VM Gian, tiniyak ng dalawang lider ang pagpapatuloy ng kanilang liderato at adbokasiya para sa good governance o tamang pamamahala para mas mapaangat pa ang budget ng lungsod, at mapalawak ang paghahatid ng serbisyo sa milyong QCitizens.

Congratulations Mayor Joy at VM Gian.

To God be the glory.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Almar Danguilan

Check Also

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kapag tama ang paggamit ng pondo, lahat tayo panalo

AKSYON AGADni Almar Danguilan SA RAMI ng ingay na nilikha ng balita tungkol sa pagbabalik …

Aksyon Agad Almar Danguilan

500k TPMM raliyista safe sa seguridad ng QCPD

AKSYON AGADni Almar Danguilan HINDI sapat ang salitang “Salamat QCPD” sa pagbibigay seguridad sa halos …

Dragon Lady Amor Virata

Si general social media at tv ang gusto, ayaw sa diyaryo, para sikat!

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata SINO itong General na binara-bara ang mga diyarista at …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Tsismis vs katotohanan

AKSYON AGADni Almar Danguilan MARAMI nang naganap na pagdinig sa Blue Ribbon Committee tungkol sa …

Sipat Mat Vicencio

Chiz, Jinggoy ‘patay na ang karera sa politika’

SIPATni Mat Vicencio DAHIL sa iba’t ibang kontrobersiyang kinakaharap nina Senator Chiz Escudero at Senator …