Saturday , January 10 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
VMX Karen Lopez

Missing Vivamax star lumutang na, nagpaliwanag sa socmed account

SA ANUNSIYO ng Quezon City Police District (QCPD) na kanilang iimbestigahan ang sinasabing pagkawala ng Vivamax star, agad nagpaskil sa kaniyang social media account ang aktres na si Karen Lopez upang linawin ang isyu.

Sa kaniyang paskil sa Facebook, humihingi ng paumanhin ang aktres sa pagiging ‘off the grid’ umano niya nitong mga nakaraang araw.

“Pasensiya na talaga kung bigla akong nawala nitong mga nakaraang araw. Kailangan ko lang munang magpahinga at mag-focus sa sarili ko. Dumaan ako sa mga bagay na medyo mabigat mentally and emotionally, at napagtanto kong kailangan kong unahin ang well-being ko-  even if that meant stepping back for a while,” base sa kaniyang post.

“Alam kong may ilan sa inyo ang nag-aalala o nagtaka at sobrang na-appreciate ang message at support ninyo. Slowly, I getting better and trying to comeback stronger, one step at a time….Thank you sa patience, sa pagmamalasakit at sa pag-unawa. Malaking bagay kayo sa recovery ko,” dagdag ng aktres.

Una rito, naglabas ng pahayag ang QCPD na hinihikayat ang may direktang kaalaman o koneksiyon sa nasabing aktres na makipag-ugnayan sa kanilang tanggapan.

Magsasagawa umano ng imbestigasyon ang QCPD Kamuning Police Station 10, kabilang ang panayam sa personal assistant ng aktres, pati na rin ang pagsusuri sa mga CCTV footage mula sa lugar kung saan siya huling nakita.

Samantala, umani ng samot-saring batikos sa netizens ang aktres sa ginawa niyang pagtatago at biglang paglutang. (ALMAR DANGUILAN)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Almar Danguilan

Check Also

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Melanie Marquez

Adam Lawyer sinagot mga akusasyon si Melanie Marquez

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SUMAGOT na thru his legal counsel si Adam Lawyer, asawa ni Melanie Marquez na …

Andrew E

Andrew E dagsa ang fans, mamamahagi ng collectibles

HARD TALKni Pilar Mateo MAILALARAWAN ang master rapper of this era, Andrew E. bilang livin’ …

Encantadia Chronicles Sanggre

Encantadiks tuloy-tuloy ang panalo

RATED Rni Rommel Gonzales SOBRANG lakas ng Encantadia Chronicles: Sang’gre sa primetime. Base sa overnight NUTAM People …