Saturday , December 20 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Arrest Shabu

Tandem sa ilegal na droga
KOREAN AT CHINESE NATIONALS NASAKOTE

DALAWANG dayuhan na itinuturing na high-value individuals (HVIs) ang naaresto sa ikinasang anti-illegal drug operation ng Angeles City Police Office (ACPO) katuwang ang Regional Intelligence Unit 3 (RIU3) ng Police Regional Office 3 (PRO3) sa Arayat Boulevard, Barangay Pampang, Angeles City kamakalawa ng gabi.

Kinilala ang mga suspek na sina alyas Zhou, 28 anyos, Chinese national, at alyas Kim, 38 anyos, Korean national, kapwa naninirahan sa isang apartment sa Barangay Margot, Angeles City.

Nasamsam mula sa mga suspek ang dalawang sachet ng hinihinalang shabu na tinatayang may timbang na limang gramo at may standard drug price na P34,000.

Nakatakas ang target ng operasyon na si alyas Boss, kabilang sa listahan ng mga target personalities ng pulisya sa patuloy ang isinasagawang follow-up operation upang siya ay maaresto.

Ayon kay P/Brigadier General Jean S. Fajardo, Regional Director ng PRO3, ang pagkakaaresto sa dalawang dayuhang HVI ay nagpapakita ng pinaigting na kampanya ng pulisya laban sa ilegal na droga sa rehiyon.

Ayon sa opisyal, ang tagumpay na ito ay patunay ng masigasig at walang humpay na pagtatrabaho ng  mga operatiba na hindi mag-aatubiling tugisin at papanagutin ang mga sangkot sa ilegal na droga—lokal man o banyaga.

Ang mga naarestong suspek at nakompiskang ebidensiya ay dinala na sa Angeles City Drug Enforcement Unit (ACDEU) para sa dokumentasyon at kaukulang disposisyon.

Sila ay nahaharap sa kasong paglabag sa Sections 5 at 11, kaugnay ng Section 26, Article II ng Republic Act 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. (MICKA BAUTISTA)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Micka Bautista

Check Also

Laoang Northern Samar PNP

Sa Laoang, Northern Samar
P.1-M cash, alahas isinauli ng nakapulot na magsasaka

PINURI ng pulisya at netizens ang isang magsasaka nang isauli ang napulot na bag na …

Maria Catalina Cabral

DPWH Ex-Usec. Cabral patay sa Tuba, Benguet

HATAW News Team PATAY ang dating opisyal ng Department of Public Works and Highways (DPWH) …

Marikina

Pamamahala sa trapiko at seguridad sa Pasko, tututukan ng Marikina LGU

BILANG paghahanda sa inaasahang pagdagsa ng mamimili at motorista ngayong Christmas season, iniutos ni Marikina …

Water Faucet Tubig Gripo

Tserman ‘di nagbayad ng bill  
Tumana residents pinutulan ng supply ng tubig

MAAARING mag-Pasko na walang tubig ang mga residente ng Barangay Tumana sa Marikina City matapos …

JV Ejercito BIR LOAs

Sen. JV Ejercito hindi pinalampas BIR hearing kahit nasa ospital

NAGAWANG makadalo sa pamamagitan ng virtual hearing si Senator JV Ejercito sa pagdinig ng Blue …