Saturday , December 20 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Sue Ramirez Dominic Roque

Sue napogian kay Dom kaya hinalikan-nagji-jell din ang interests namin

MASAYA at kalma ang aura ni Sue Ramirez ngayon.

Wow, thank you po. Actually masaya po talaga,” bulalas ng aktres.

Ano o sino ang nagpapasaya sa kanya?

Well, ang kalma ng life.

“Kakagaling lang sa bakasyon. Wala, I don’t feel pressured, ahhm… masaya lang ako talaga.

”Well of course si Dom has been making me happy, has been taking care of me.”

Si Dom siyempre pa ay si Dominic Roque na special someone ni Sue ngayon.

Paano siya napapasaya ni Dominic?

Lahad ni Sue, “Sine-share niya ‘yung interests niya with me, he also asks me what I want to do, kung ano ‘yung mga interest ko and so far nagdyi-jell talaga ‘yung mga interest namin.

“Hindi ko alam kung dahil sabay kami ng birthday, charot! Ha! Ha! Ha!

“Actually sabay kami ng birthday! July 20.

“Kaya siguro nagdyi-jell kami ng mga interest.”

Nag-viral ang kissing photo nila ni Dominic sa Siargao noong Nobyembre 2024, doon ba nagsimula ang lahat?

“Hindi pa, hindi pa. Ha! Ha! Ha!

Well nag-uusap-usap na po kami ng time na iyon. 

“But like iyon nga, sabi ko, when I drink, I get too excited, eh ang pogi, kiniss ko!

“Charing lang! Ha! Ha! Ha!

“Hindi, well… nag-uusap na po kami noon, medyo papunta na kami sa nagkakamabutihan na po kami, nagliligawan.”

Hindi raw iyon biyahe na grupo silang magkakasama. dramatic movie, pero may lesson sa ating pamilya.”

No, it was actually my trip, ‘coz I did a lot of films last year so I wanted to take a break, so talagang nakaplano ‘yung one month ko sa Siargao.

“And since nag-uusap na kami noon ni Dominic he asked me kung, ‘Is it okay if I follow to Siargao. I want to get to know you more.’”

Samantala, palabas ngayon sa mga sinehan ang In Between nina Sue at Diego Loyzaga, sa direksiyon ni Gino M. Santos, mula sa Viva Films. (Rommel Gonzales)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

Zaijian Jaranilla Earl Amaba Krystel Go Im Perfect

Zaijian nahirapan noong una: pero nang nakita ko ‘yung eksena sobrang magical

RATED Rni Rommel Gonzales MAHUSAY na aktor pero aminado si Zaijian Jaranilla na nahirapan siya sa papel …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

Sylvia Sanchez Im Perfect MMFF

Sylvia laban o bawi ang I’m Perfect

RATED Rni Rommel Gonzales MGA “anghel sa buhay namin” ang tawag ni Sylvia Sanchez sa mga cast …

Innervoices Aliw Awards

Innervoices Best Group Performer in Hotels, Music Lounges and Bars sa 38th Aliw Awards

RATED Rni Rommel Gonzales “MEN in white” barong ang peg ng paborito naming Filipino all-male …

Maya Twinyonaryo

Maya sa Twinyonaryo ng paghiram, paggastos 

NGAYONG Kapaskuhan, mas sulit ang bawat gastos mo lalo kung may chance manalo ng malaki …