Saturday , December 20 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Rabin Angeles

Rabin Angeles madalas naglalakad patungong Viva

RATED R
ni Rommel Gonzales

ANG buhay ay parang gulong na umiikot. Kung dati ay nasa ilalim, darating ang panahon, nasa ibabaw naman.

Sa kaso ng cutie Viva male star na si Rabin Angeles, kung dati ay naglalakad at nagko-commute, ngayon ay isang brand new SUV ang sinasakyan kapag lumuluwas mula Pampanga para tumungo sa mga showbiz commitment.

Katas ito ng pagiging celebrity endorser ni Rabin ng South Korean brand na The Green Flavonoid for The Lab by Blanc Doux ng Viva Beauty.

Kaya hinahasa na ni Rabin ang kanyang driving skills habang hinihintay ang kanyang lisensiya para magmaneho.

Bungsod ng kasikatan ni Rabin bilang isa sa mga bida ng Mutya ng Section E kaya hindi nagdalawang isip ang na kunin siyang brand ambassador ngskincare product.

Sa kasalukuyan ay hindi na sumasakay sa Point-to-Point bus (P2P) si Rabin. “Dati po noong nagwo-workshop pa ako, from Pampanga, ang workshop ko po noon, mga 10:00 a.m. sa Ortigas, Pasig City.

“Babyahe po ako, mga 7:00 a.m., aalis na po ako. Magpi-P2P ako papunta sa Trinoma, then sasakay ako ng MRT.

“Bababa ako ng Shaw Boulevard, tapos maglalakad lang po ako papunta sa Tektite.

“Wala po akong pamasahe noon eh,” lahad ni Rabin.

Ang Tektite ay ang building sa Ortigas na naroroon ang opisina ng Viva Entertainment.

Hindi na muling nasubukan ni Rabin na sumakay sa bus mula noong magkaroon siya ng sariling sasakyan, pero naglalakad pa rin siya paminsan-minsan.

Hindi ko pa po nata-try ulit, pero palagi po akong naglalakad kapag malapit lang kasi hindi po ako marunong mag-drive.

“’Yung brother ko po ang nagda-drive.”

At dahil guwapo at kilala na, kapag naglalakad siya ay may mga taong nakikilala na si Rabin, lalo na ang fans ng Mutya Ng Section E.

Samantala, may collab na rin si Rabin sa beauty product, ang kanyang line of unisex fragrances na pinangalanang Bin Perfume.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

MMFF Parade

MMFF Parade of Stars magsisimula sa Macapagal Ave

I-FLEXni Jun Nardo PARADE of Stars ngayong hapon para sa 51st Metro Manila Film Festival sa Makati City. …

ABS-CBN ALLTV TV5

ABS-CBN bayad na raw utang sa TV5 

I-FLEXni Jun Nardo BAYAD na raw ang obligasyon ng ABS-CBN sa TV5. Ayon ito sa kumalat na press release …

Zsa Zsa Padilla Aliw Awards

Aliw Awards nag-sorry kay Zsa Zsa

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez HUMINGI ng paumanhin ang Aliw Awards Foundation sa aktres/singer, Zsa Zsa Padillamatapos isauli ang Lifetime …

Andrea Brillantes Rekonek

Andrea naospital, ‘di nakadalo sa preem; Rekonek positibo mensahe sa pamilyang Pinoy

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez MAGANDA ang iniwang mensahe ng pelikulang Rekonek: anumang pinagdaraanan ng pamilya, mag-away-away …

Zaijian Jaranilla Earl Amaba Krystel Go Im Perfect

Zaijian nahirapan noong una: pero nang nakita ko ‘yung eksena sobrang magical

RATED Rni Rommel Gonzales MAHUSAY na aktor pero aminado si Zaijian Jaranilla na nahirapan siya sa papel …