Friday , December 19 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
cyber libel Computer Posas Court

Sa Bulacan  
2 Chinese nationals tiklo sa cybercrime

PINAIGTING ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) ang operasyon laban sa cybercrime sa buong bansa na nagresulta sa pagkaaresto sa dalawang Chinese nationals sa lungsod ng Baliuag,  lalawigan ng Bulacan, nitong Miyerkoles, 7 Mayo.

Nagsagawa ng entrapment operation ang CIDG Bulacan Provincial Field Unit at ang Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC) kasama ang Baliuag MPS at Tagaytay CPS sa Primavera Homes, Brgy. Sabang, Baliuag, na nagresulta sa pagkakaaresto sa Chinese nationals na kinilalang sina Feng at Shi.

Nahuli sa akto ang dalawang dayuhan sa pagmamay-ari, pag-install at pag-deploy ng mga electronic equipment na may kakayahang humarang, mag-imbak, at gumamit ng impormasyong nakuha mula sa iba’t ibang kagamitan sa komunikasyon partikular ang mga cellphone.

Sa operasyon, nakuha ng mga awtoridad mula sa mga suspek ang mga elektronikong kagamitan kabilang ang metal box na baterya na may positibo at negatibong terminal na may mga wire; IMEI Catcher kompletong pagpupulong (Mother board); antenna ng IMEI Catcher; Huawei Wifi Internet Router; 3000W inverter kompletong pagpupulong; at 1200 portable inverter color silver.

Nakompiska rin ang sasakyang Toyota Fortuner na ginamit ng dalawang Chinese na pansamantalang nakakulong sa CIDG Bulacan Provincial Field Unit.

Sasampahan ng kaso sa National Prosecution Office ng paglabag sa Section 4, para sa (5) (Misuse of Devices) sub-paragraph (i) ng Republic Act No. 10175 (Cybercrime Prevention Act of 2012) ang dalawa.

Ayon kay CIDG Director P/Maj. Gen. Nicolas Dela Torre III, sa pagkaaresto sa mga suspek at pagkakakompiska ng mga naturang device ay napigilan ang cybercrime at posibleng pagharang, pag-iimbak, at paggamit ng impormasyong nakuha mula sa iba’t ibang kagamitan sa komunikasyon partikular ang mga cellphone.

Aniya, delikado ang ginagawa ng mga suspek na pag-intercept at pag-store ng information mula sa communication devices, na paglabag sa individual human rights at banta sa national security. (MICKA BAUTISTA)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Micka Bautista

Check Also

Water Faucet Tubig Gripo

Tserman ‘di nagbayad ng bill  
Tumana residents pinutulan ng supply ng tubig

MAAARING mag-Pasko na walang tubig ang mga residente ng Barangay Tumana sa Marikina City matapos …

JV Ejercito BIR LOAs

Sen. JV Ejercito hindi pinalampas BIR hearing kahit nasa ospital

NAGAWANG makadalo sa pamamagitan ng virtual hearing si Senator JV Ejercito sa pagdinig ng Blue …

LTFRB TNVS Car

TNVS pick-up fare, inaprobahan ng LTFRB

NAGPAPASALAMAT ang Transportation Network Vehicle Service (TNVS) Community Philippines makaraang pakinggan  ng Land Transportation Franchising …

PH SEAG Football

Filipinas, Nakamit ang Unang Gintong Medalya sa SEAG Football

CHONBURI – Nadagdagan ng isang makasaysayang gintong medalya sa Southeast Asian Games ang listahan ng …

DLSU De La Salle UAAP

Green Archers, inangkin muli ang korona sa UAAP basketball

INANGKIN muli ng De La Salle University ang kampeonato sa UAAP men’s basketball matapos magwagi …