Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Benz Sangalang

Benz katapat ni Kiko, wish granted ang pag-aaksiyon

HARD TALK
ni Pilar Mateo

HE is one hard-working and patient ward of talent manager Jojo Veloso. Hindi maingay. Hindi mayabang. Simple at cool lang ang dating.

Napunta sa bakuran ng Viva Films si Benz Sangalang. Sa VMX to be exact. 

At noon pa man, nakita na namin kung paano nito naalagaan at inihanda ang sarili para sa mga inaantabayanang proyektong ipagkakaloob sa kanya.

Ehersisyo. Dieta. At patuloy lang sa pagiging positibo niya in his outlook toward his career. 

At dahil sa mga nagawa na niyang pelikula gaya sa Vivamax, kinilala na siya bilang Vivamax King.

Napansin si Benz sa mga proyektong gaya ng Sabik na idinirehe ni Dado Lumibao na siyang pumiga sa kakayahan niya sa pagganap.

Ngayong naranasan na niya ang pagpapasexy sa kanyang mga role, nabiyayaan si Benz ng papel na noon pa niya ipinagdarasal. Na mabigyan ng karakter na ang pag-a-aksiyon naman ang ipamamalas.

Kaya nang dumating ang offer ng TV5 para maging bahagi ng remake ng Totoy Bato na ginampanan ng Hari ng Pelikula na si FPJ, lubos ang pasasalamat ni Benz na dininig ang kanyang panalangin.

Three months ago na po nang sinabi sa akin ni Boss Vic (del Rosario) na gagawa na ako ng action project. Sa TV po pala ito mangyayari. Kaya tuwang-tuwa ako.

“Si Kiko Estrada po ang bida. At ako po rito si Mason Buenaflor. Ang  mayaman, matapang, at masamang  pinsan ng character ni Diego Loyzaga. 

“Sa working relationship okay naman po ang pagsasama namin nina Kiko. VMX  pa lang naman nagkasama na kami at naka-tatlong movies na together. Magaan katrabaho si Kiko at seryoso talaga siya sa pag-arte. Kaya nahahawahan niya kami ng pagiging masigasig sa ginagawa niya sa harap ng kamera.

Masaya po ang pakiramdam at naniniwala po ako na kapag wala kang natatapakan na tao tuloy-tuloy lang ang pasok ng blessings. Siyempre, pinaka-malaking pasasalamat talaga kay Boss Vic at iba pang boss na silna Boss Vincent,  Boss Val, at Boss Veronique.

“Nakagabay at naka-antabay talaga sila sa mga artist nila sa pagpaplano kung kailan kami aalagwa. With the right projects, hihintayin mong dumating at ibigay sa ‘yo.”

So far, masasabing marami na ang nagtangkang mapunta rin sa posisyon ni Benz ngayon. Pero dahil maingat din siya sa imahe niya, kahit pa nagpaka-super sexy na siya sa mga maraming proyekto, alam ni Benz na ang mga ito ay tuntungang bato niya para makarating sa mas mataas na antas ng pagka-aktor niya.

Ginagawa ng sarili niyang daan sa pagka-aktor si Benz. Na pinaghihirapan. Dahil lahat naman ay ganoon ang ginagawa. Iba-iba nga lang ng paraan. Kaya he shines on his own at ‘di maikukompara sa iba. 

Ang maganda kay Benz, ‘di nakaasa sa ibinibigay lang ng kanyang manager sa kanya. He works with him. Very mindful sa mga kailangan niyang gawin sa kanyang sarili. Pati na sa buhay.

Kaya very proud sa kanya si Jojo V.

With his wish granted, to dabble in action, tiyak may isisilang na bagong katapat sa pagiging bida ni Kiko sa seryeng ito.  Ang daming barkong kasali sa serye. 

Sa ngayon, makikitang marami ang aangat at isa roon sa mapapansin si Benz. 

Ngayon na  ito. Tutukan na!

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Pilar Mateo

Check Also

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

Porac Pampanga

Porac, Pampanga Mayor Capil sumuko nagpiyansa ng P.63-M para sa kasong graft

SUMUKO si Porac, Pampanga Mayor Jaime Capil nitong Martes, 2 Disyembre, sa Pasig City RTC …

Nag-alok ng droga binoga babaeng tulak tigbak sa Antipolo

Sa Antipolo
Nag-alok ng droga binoga babaeng tulak tigbak

PATAY ang isang babae matapos barilin ng lalaking sinabing inalok niyang bumili ng ilegal na …