Monday , December 15 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Norzagaray Bulacan police PNP

Sa Norzagaray, Bulacan
PUGANTE NASUKOL SA PINAGTATAGUAN DERETSO KALABOSO

NAGWAKAS ang matagal na panahong pagtatago nang tuluyang mahulog sa kamay ng batas ang isang lalaking may kinakaharap na sapin-saping mga kaso sa lalawigan ng Bulacan.

Sa ulat mula kay P/Col. Franklin Estoro, Provincial Director ng Bulacan PPO, kinilala ang suspek na si alyas Cardo, 51 anyos, isang welder, kabilang sa No. 10 most wanted persons – provincial level.

Matagumpay na nadakip ang suspek ng mga operatiba ng Norzagaray MPS sa isinagawang joint operation kasama ang Provincial Intelligence Team (PIT) Bulacan-East dakong 5:10 ng hapon nitong Lunes, 5 Mayo, sa Brgy. FVR, bayan ng Norzagaray.

Ikinasa ang operasyon batay sa intelligence packet na ibinigay ng PIT Bulacan-East at ipinatupad ng Tracker Team ng Norzagaray MPS.

Naaresto ang akusado sa bisa ng warrant of arrest sa paglabag sa Section 28 (a) ng RA 10591 o ang Comprehensive Law on Firearms and Ammunition, na sumasaklaw sa mga probisyon ng RA 9516, RA 8294, at PD 1866.

Ang nasabing warrant of arrest ay inisyu at nilagdaan ni Presiding Judge Reuben Ritzuko Veradio, ng Malolos City RTC Branch 104.

Kasalukuyang nasa kustodiya ng Norzagaray MPS ang akusado para sa naangkop na disposisyon at dokumentasyon. (MICKA BAUTISTA)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Micka Bautista

Check Also

Joey Salceda

Salceda, walang kinaalaman sa ‘2024 national budget insertions’

MATINDING pinabulaanan ni dating Albay Rep. Joey Sarte Salceda ang paratang na mayron siyang kinaalaman …

Nartatez PNP

PNP sa Ilalim ni Chief Nartatez: Disiplina, Aksyon, at Kongkretong Resulta

Sa larangan ng pagpapatupad ng batas, hindi nasusukat ang pamumuno sa dami ng sinasabi o …

Grab LTFRB

Grab PH respetado utos ng LTFRB 50% bawas sa pasahe ng TNVS

IGINAGALANG  ng Grab Philippines ang utos ng pamahalaan na bawasan pansamantala ng 50% ang pasahe …

American Bully Dog Kobe

Valenzuela LGU kinondena karumal-dumal na pagputol sa dila ng American Bully

GALIT at bibigyan ng hustisya ng Valenzuela local government unit (LGU), maging ang may-ari ng …

Patas na pasahe para sa TNVS drivers at pasahero

IKINABAHALA ng TNVS Community Philippines ang Memorandum Circular ng LTFRB na nagbababa sa surge pricing …