Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
PNP CIDG

P1.1-M ilegal na produkto mula Korea nasamsam
DAYUHANG NEGOSYANTE, 2 EMPLEYADO ARESTADO

SA DIREKTIBA ni PNP Chief P/Gen. Rommel Francisco Marbil na pahusayin ang pag-iwas sa krimen at na higit na paghusayin sa solusyon ng PNP, pinaigting ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) ang mga operasyon nito sa buong bansa laban sa lahat ng ilegal na aktibidad.

Kabilang dito ang pagsalakay ng Regional Special Operations Team (RSOT) ng CIDG Regional Field Unit 3 at CIDG Bulacan Provincial Field Unit at mga territorial police unit sa isang bodega sa K-Steel Industrial Park, Brgy. Tiaong, sa bayan ng Guiguinto, lalawigan ng Bulacan, na pag-aari ng isang negosyanteng Korean national.

Nakompiska sa operasyon ang 28 kahon ng sari-saring Maxim coffee, 367 kahon ng Ice Talk beverages, at mga bote ng expired na Narangd cider, na tinatayang may kabuuang halagang P1,107,300.

Naaresto sa isinagawang pagsalakay ang tatlong suspek na kinilalang sina alyas Kim, ang may-ari; at dalawang empleyadong Filipino na kinilalang sina alyas Glen at alyas Manuel.

Nahuli ang mga suspek sa akto habang nangangalakal at namamahagi ng mga imported na produktong inumin gaya ng kape, juice, at cider mula sa Korea, na hindi nakarehistro sa Food and Drug Administration at walang kinakailangang rehistrasyon na Certificate of Product Registration (CPR).

Binigyang-diin ni P/Maj. Gen. Torre na alinsunod sa RA 9711 o Food and Drug Administration Act of 2009, ang paggawa, pag-aangkat, pagbebenta, pag-aalok para sa pagbebenta, pamamahagi, paglilipat ng mga produktong pangkalusugan at pagkain nang walang kaukulang pahintulot ay labag sa batas.

Dahil ang mga produktong pagkain na ito ay hindi dumaan sa proseso ng pagsusuri ng FDA, hindi matitiyak ang kalidad at kaligtasan nito.

Sasampahan ang mga suspek ng mga kasong paglabag sa Section 11 ng RA 3720, na sinususugan ng Section 10 ng RA 9711 (Food and Drug Administration Act of 2009) kaugnay ng Section 6 ng RA 10175 (Cybercrime Prevention Act of 2012) para sa labag sa batas na pamamahagi at pagbebenta ng mga produktong hindi nakarehistrong pagkain at hindi nakarehistrong tindahan at online na mga produkto at nabibili sa online na transaksiyon. (MICKA BAUTISTA)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Micka Bautista

Check Also

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

Porac Pampanga

Porac, Pampanga Mayor Capil sumuko nagpiyansa ng P.63-M para sa kasong graft

SUMUKO si Porac, Pampanga Mayor Jaime Capil nitong Martes, 2 Disyembre, sa Pasig City RTC …

Nag-alok ng droga binoga babaeng tulak tigbak sa Antipolo

Sa Antipolo
Nag-alok ng droga binoga babaeng tulak tigbak

PATAY ang isang babae matapos barilin ng lalaking sinabing inalok niyang bumili ng ilegal na …