Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Arrest Posas Handcuff

Pusakal na karnaper arestado, nakaw na motorsaklo narekober

MATAGUMPAY na naaresto ng pulisya ang isang lalaki na sinasabing sangkot sa malawakang pagnanakaw ng mga motorsiklo sa bahagi ng City of San Jose del Monte, Bulacan.

Sa ulat na ipinadala kay PColonel Franklin P. Estoro, Officer-In-Charge ng Bulacan PPO, bandang 5:00 ng umaga kamakalawa, iniulat ng 24-anyos biktima na ang kanyang motorsiklo, isang Yamaha Mio 125, may plakang 719UIL, ay ninakaw na kanyang naiwanan nang walang bantay at may nakasaksak pang susi sa ignition.

Agad na nakipag-ugnayan ang biktima sa homeowners association office at nirepaso ang mga kuha mula sa CCTV, kung saan nakita ang suspek, kinilala na isang 23-anyos lalaki, residente sa Tialo Brgy. Sto. Cristo, CSJDM, Bulacan.

Ayon sa kuha sa footage, malinaw na sapilitang kinuha ng suspek ang motorsiklo at tumakas patungong Brgy. Sto. Cristo sa naturang lungsod.

Sa impormasyong nakuha, humingi ng tulong ang biktima sa SJDM CPS PCP 5 na mabilis na nagsagawa ng follow-up operation na nagresulta sa agarang pagkahuli sa suspek at pagkarekober ng ninakaw na motorsiklo.

Ang naarestong suspek ay kasalukuyang nasa kustodiya ng SJDM CPS para sa nararapat na disposisyon, habang ang kasong kriminal kaugnay ng mga paglabag sa RA 10883 (Anti-Carnapping Law) ay inihahanda para ihain sa hukuman.

Ipinahayag ni PColonel Estoro, ang kahalagahan ng mga operasyong ito sa pagpapalakas ng mga pagsisikap laban sa pagnanakaw, motornapping, at iba pang mga kriminal na gawain sa buong lalawigan.

Ang mga hakbang na ito ay bahagi ng pinahigpit na mga paghahanda sa seguridad para sa nalalapit na national and local elections 2025, upang matiyak ang isang ligtas at seguradong proseso ng halalan. (MICKA BAUTISTA)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Micka Bautista

Check Also

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

Porac Pampanga

Porac, Pampanga Mayor Capil sumuko nagpiyansa ng P.63-M para sa kasong graft

SUMUKO si Porac, Pampanga Mayor Jaime Capil nitong Martes, 2 Disyembre, sa Pasig City RTC …