Saturday , December 20 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Rubber Gates Bustos Dam Bulacan

Panawagan sa pamahalaang nasyonal at NIA  
RUBBER GATES NG BUSTOS DAM PALITAN NG ESTANDARISADONG MATERYALES – BULACAN PROVINCIAL GOVERNMENT

PRAYORIDAD ang kaligtasan ng mga Bulakenyo kaya nang masira ang isa sa mga gate ng Bustos Dam, nanawagan ang pamahalaang panlalawigan ng Bulacan sa pamahalaang nasyonal at National Irrigation Administration (NIA) na aksiyonan at palitan ang mga rubber gate nito.

Ang gate 3 ng nasabing dam, na pinangangasiwaan din ng NIA, ay nasira dahil sa matinding init nitong 1 Mayo. Matatandaan noong 2020, nasira na ang ikalimang gate nito, na agad namang inimbestigahan ni Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council Chairman at Gobernador Daniel R. Fernando at ipinag-utos sa NIA na i-test ang mga materyales na kalaunan ay napatunayang substandard.

Sa natitirang limang rubber gates na maaaring mapuruhan sa paparating na panahon ng tag-ulan, ikinababahala ni Fernando ang nakaambang panganib para sa probinsiya lalo kung hindi agad kikilos ang NIA at mag-i-invest sa estandarisadong materyales.

Hinimok niya ang ahensiya na hindi lang isa kundi lahat ng rubber gate ay mapalitan upang matiyak ang kaligtasan ng buong lalawigan.

“Sa ating national government, sa ating NIA, please lang po, nakikiusap po kami, pakinggan n’yo po sana. Huwag po tayong kumilos nang babagal-bagal [dahil] ang pinakamahalaga po rito ay ‘yung aksiyon agad. Nakabingit diyan ‘yung milyon-milyong Bulakenyo ‘pag nagkataong pumutok lahat ‘yan,” aniya.

               Dagdag ni Bise Gobernador Alexis C. Castro, kung walang magiging agarang solusyon para rito, maaaring maapektohan ang mga Bulakenyo sa posibilidad ng pagbaha.

               “Kung hindi po ito gagawan ng paraan as soon as possible, ‘yung baha na sinasabi natin at ‘yung mga maaapektohan ay mas magiging malala pa,” ani Castro.

Sa kabilang banda, pinaalalahanan ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO) ang mga residente na ang nasirang gate sa dam ay isang maliit na labasan lamang, kaya hindi maglalabas ng maraming tubig papunta sa mga ilog.

“Ang gate 3 ay isang maliit lamang na bukasan at ang mababawas lamang sa lebel ng tubig ay 2.38 mts. Ang rubber gate ay about 5 mts. wide lang kompara sa about 25-30 mts. wide ng Angat River, ang ibig sabihin ito ay maliit lang na bukasan ng tubig na tatapon sa maluwag na ilog,” anang PDRRMO.

Samantala, naghahanda na ang pamahalaang panlalawigan ng mga evacuation center bilang bahagi ng preventive measures. (MICKA BAUTISTA)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Micka Bautista

Check Also

Water Faucet Tubig Gripo

Tserman ‘di nagbayad ng bill  
Tumana residents pinutulan ng supply ng tubig

MAAARING mag-Pasko na walang tubig ang mga residente ng Barangay Tumana sa Marikina City matapos …

JV Ejercito BIR LOAs

Sen. JV Ejercito hindi pinalampas BIR hearing kahit nasa ospital

NAGAWANG makadalo sa pamamagitan ng virtual hearing si Senator JV Ejercito sa pagdinig ng Blue …

LTFRB TNVS Car

TNVS pick-up fare, inaprobahan ng LTFRB

NAGPAPASALAMAT ang Transportation Network Vehicle Service (TNVS) Community Philippines makaraang pakinggan  ng Land Transportation Franchising …

PH SEAG Football

Filipinas, Nakamit ang Unang Gintong Medalya sa SEAG Football

CHONBURI – Nadagdagan ng isang makasaysayang gintong medalya sa Southeast Asian Games ang listahan ng …

DLSU De La Salle UAAP

Green Archers, inangkin muli ang korona sa UAAP basketball

INANGKIN muli ng De La Salle University ang kampeonato sa UAAP men’s basketball matapos magwagi …