Saturday , January 31 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Pamilya ko Partylist

Malasakit at puso ng Pamilya Ko Partylist ibinahagi

BAGAMA’T bumuhos ang malakas na ulan sa isang  subdivision sa Woodbridge sa Pandi, Bulacan hindi napigil ang pakikipagniig ng Pamilya ko Partylist sa kanilang huling kampanya sa lalawigan ng Bulacan.

Nasa higit 1000 residente ang dumalo at nakiisa sa programa ng grupo na nag-aalok ng serbisyong may malasakit sa pamilyang Filipino sa pamamagitan ng Pamilya Ko Partylist.

Ayon kay 1st nominee Atty. Anel Diaz, ang Pamilya Ko ay para sa pamilyang Filipino, kabilang dito ang pamilyang nagsasama sa iisang bubong, tulad ng kasal, live-in partners, solo parent, OFWs, Senior Citizen, PWDs, at LGBTQIA+.

Aniya ang numero 150 sa balota na Pamilya Ko Partylist ang magiging kasangga, ng mga pamilyang nasa mga kanayunan na higit na mas nangangailangan ng pagkalinga.

Inilinaw ni Atty. Anel, unang kinatawan ng partido, na ang anyo ng magandang pamumuhay ay nakasalalay sa bawat isang pamilyang naghahanap nang totoo at tunay na masisilungan sa panahon ng kagipitan.

Bitbit rin ng Pamilya Ko Partylist ang mga proyektong pangkabuhayan, o livelihood para sa mas masaganang kinabukasan ng pamilyang Filipino sa bansa, katuwang ang Pamilya Ko Foundation.

Naniniwala si Diaz na may puwang ang partido ng Pamilya Ko Partylist sa pangangailangan ng mga residente sa Class A Municipality sa bayan ng Pandi.

Sa kasalukuyan, nasa 12 lalawigan na ang kanilang napuntahan, mula sa Cebu, Tawi-Tawi, NCR, Bacolod, Bataan, Batangas, Cavite, General Santos City, Iloilo, Manaoag, Pangasinan, Dumaguete, Maynila, Lucena, Negros, Rizal at Bulacan. (MICKA BAUTISTA)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Micka Bautista

Check Also

Babys Day Out sa Bohol

Gumala habang nag-aaway si nanay at tatay
Baby’s day-out sa kanyang first birthday

NAALALA ba ninyo ang pelikulang Baby’s Day Out noong 1994?         Puwes nangyari ang isang …

Landers Fairview Fire

LANDERS SUPERSTORE SA FAIRVIEW NATUPOK
5 fire volunteers iniimbestigahan

ni ALMAR DANGUILAN TILA BUONG-BUONG nilamon ng apoyang sangay ng Landers Superstore sa kanto ng …

arrest, posas, fingerprints

Nagpanggap na pulis, kelot timbog sa panloloko

ARESTADO ang isang lalaki matapos magpanggap na pulis at manloko ng isang tindero sa pamamagitan …

Dead body, feet

8-anyos anak patuloy na hinahanap, bangkay ng aleng pulis natagpuan

NATAGPUAN ang wala nang buhay na katawan ng isang babaeng pulis na mahigit isang linggo …

FDNY China WPS

Mga Makabayang Grupo Kinondena ang Agresyon ng China sa West Philippine Sea

Nagdaos ng kilos-protesta ang Filipinos Do Not Yield Movement (FDNY), kasama ang mga lider at …