Saturday , December 20 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Jimmy Bondoc Rodrigo Duterte

Kanta ni Jimmy Bondoc kay Digong nag-viral

RATED R
ni Rommel Gonzales

POPULAR na male singer na nagpasikat ng kantang Let Me Be The One, natanong si Atty. Jimmy Bondoc kung mayroon ba, sa kanyang pag-iikot bilang pangangampanya sa pagtakbo sa pagka-Senador, na nagsabi 

na kantahan na lamang niya at huwag nang magsalita?

Yes, we are asked to sing and what I do is I do both,” pag-amin ni Atty. Jimmy.

I speak and I sing.

“We have to face it na politics is half entertainment but I make sure that I speak about pertinent issues.”

Samantala, hindi raw iyakin si Atty. Jimmy pero lumuluha siya habang isinusulat ang awit na alay niya para kay dating Pangulong Rodrigo Duterte na nakadetine ngayon sa The Hague sa The Netherlands dahil sa crimes against humanity cases bunsod ng kanyang anti-drug campaign na isinampa laban sa kanya ng International Criminal Court (ICC).

Ako honest hindi naman ako iyakin  sa politika pero iyon talagang tumutulo ‘yung luha ko mag-isa.

“Alam niyo ang una kong linya na naisip, iyong Martial Law era.

“Tama na sobra na.”

“So the first line of the song is, ‘Tama na, sobra na, kinuha niyo ang aming ama!’”

May pamagat itong Ibalik Niyo Si Tatay Digong, isinulat ni Atty. Jimmy ang kanta sa loob lamang ng isang araw na ngayon ay nagba-viral na.

Samantala, sina Atty. Jimmy, Atty. Raul Lambino, at Atty. Bobbet Torreon ang nagsumite ng petisyon na tinututulan ang implementasyon ng online voting para sa mga Overseas Filipino Workers (OFWs) sa May 12 elections.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

Zaijian Jaranilla Earl Amaba Krystel Go Im Perfect

Zaijian nahirapan noong una: pero nang nakita ko ‘yung eksena sobrang magical

RATED Rni Rommel Gonzales MAHUSAY na aktor pero aminado si Zaijian Jaranilla na nahirapan siya sa papel …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

Sylvia Sanchez Im Perfect MMFF

Sylvia laban o bawi ang I’m Perfect

RATED Rni Rommel Gonzales MGA “anghel sa buhay namin” ang tawag ni Sylvia Sanchez sa mga cast …

Innervoices Aliw Awards

Innervoices Best Group Performer in Hotels, Music Lounges and Bars sa 38th Aliw Awards

RATED Rni Rommel Gonzales “MEN in white” barong ang peg ng paborito naming Filipino all-male …

Maya Twinyonaryo

Maya sa Twinyonaryo ng paghiram, paggastos 

NGAYONG Kapaskuhan, mas sulit ang bawat gastos mo lalo kung may chance manalo ng malaki …