Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Firing Line Robert Roque

Ano na ngayon ang tingin ng mga botante kay Pulong?

FIRING LINE
ni Robert B. Roque, Jr.

SINABI ni Congressman Pulong Duterte na ipapa-“authenticate” niya sa kanyang mga abogado ang viral video kung saan makikitang hine-headbutt at sinasaktan niya ang isang lalaki sa loob ng isang bar sa Davao habang hawak ang isang patalim. Okay. Pero kung sa tingin niya talaga ay peke o deepfake ang video, bakit niya inamin — sa parehong pahayag — na ang video ay “an old video”?

Ano ba talaga — peke o lumang video? Dahil alinman sa dalawa, isang bagay ang kompirmado: may nangyaring karahasan, at sangkot siya rito.

Makikita sa video ang isang agresibo at entitled public official na handang-handang manakit. May fill in the blanks ang reklamong inihain ng negosyanteng si Kristone Patria — kabilang ang mga seryosong kaso: human trafficking, attempted murder, at iba pa. Ang insidente, ayon kay Patria, ay nangyari noong Pebrero 2025.

Maaaring magreklamo ang mga pro-Duterte ng ‘tanim-kaso’ at wasakin ang reputasyon ng biktima sa kasong ito bilang ‘bugaw’ o salot ng lipunan. Pero nananatili ang katotohanan: naisampa na ang kaso at dapat itong harapin ni Pulong. Walang tao ang deserving sa pagtratong gaya ng napanood sa video.

Tungkol naman sa mga botante ng Davao — sa palagay ko ay hindi sila ganoon kaduwag para magpahayag ng tunay nilang sentimiyento sa pamamagitan ng balota. Matatapang ang mga Davaoeño, hindi sila bulag. Walang gugustuhing ma-bully o maapi at patuloy na suportahan ang nang-aping bully bilang kinatawan nila sa Kongreso. Sa Mayo 12, hindi na ako magugulat kung turuan nila ng mahalagang aral si Pulong.

Bentahan ng P20 bigas

Ang pagbebenta ng P20 kada kilong bigas — nang biglaan, isang milagro, makalipas ang tatlong taon — ay hindi pamamahala. Isa itong palusot ngayong panahon ng eleksiyon. Sa loob ng halos dalawang taon, si Bongbong Marcos ay nahalal bilang Punong Ehekutibo at itinalaga ang kanyang sarili bilang Agriculture Secretary, at ang na-hype na pangakong ito noong nangangampanya ay nananatiling alikabok sa hangin. Lumobo na ang presyo ng mga pangunahing bilihin dahil sa inflation at palpak na pangangasiwa sa ekonomiya — at narito ang gobyerno, dalawang linggo bago ang halalan, handang i-subsidize ang bigas sa halagang P20 kada kilo? Anong nagbago? Hindi ang ekonomiya. Kundi ang kanilang rating sa survey.

Kaya huwag na tayong magkunwari. Isa itong desperadong pagtatangka na matiyak ang mga boto para sa mga pambato ng administrasyon. Umaalingasaw ang kawalan ng kahihiyan, kalkuladong galawan, at ang halatang-halata — isang lakas-loob na galawan na nasa punto na ng lantarang paglabag sa mga prinsipyo ng Comelec. Wala itong kaibahan sa vote buying, kahit pa sabihin nilang opisyal na magsisimula ang pagbebenta ng murang bigas pagkatapos ng eleksiyon.

               Kahit pa ang sariling 2022 campaign manager-turned-critic ni Marcos — ngayon ay pambato na ng oposisyon sa pagkasenador — na si Vic Rodriguez ay napapatanong: Bakit ngayon lang? Iyon ay dahil alam niya ang intensiyon.

Para suportahan ang inisyatibong ito, tinipon ni Speaker Romualdez ang mahigit 100 kongresista at dose-dosenang kinatawan ng party-list nitong Huwebes, sinabihan silang paigtingin pa ang malawakang pangangampanya para sa nanganganib nang matalo na Senate slate ng administrasyon. Maliwanag ang timing. Malinaw ang intensiyon.

Sampalin natin ng katotohanan ang ating mga sarili: hindi ito serbisyo publiko. Isa itong kaligtasang politikal na idinaan sa kunwaring subsidiya. Payo ko: sa mga kapwa ko Filipino at botante — samantalahin ninyo ang murang bigas. Bumili kayo sa halagang P20 kada kilo. Deserve n’yo ‘yan, lalo na iyong mga nagpapakahirap para may maipakain sa pamilya. Pero maging matalino sa pagboto. Galing sa taxpayers ang subsidyang ito. Dapat lang natin itong pakinabangan — pero wala tayong utang na loob sa administrasyon kapag kinailangan na nating kompletohin ang ating balota.

*         *         *

SHORT BURSTS. Para sa mga komento o reaksiyon, mag-email sa [email protected] o mag-post sa @Side_View sa X app.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Robert B. Roque, Jr.

Check Also

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kapag tama ang paggamit ng pondo, lahat tayo panalo

AKSYON AGADni Almar Danguilan SA RAMI ng ingay na nilikha ng balita tungkol sa pagbabalik …

Aksyon Agad Almar Danguilan

500k TPMM raliyista safe sa seguridad ng QCPD

AKSYON AGADni Almar Danguilan HINDI sapat ang salitang “Salamat QCPD” sa pagbibigay seguridad sa halos …

Dragon Lady Amor Virata

Si general social media at tv ang gusto, ayaw sa diyaryo, para sikat!

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata SINO itong General na binara-bara ang mga diyarista at …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Tsismis vs katotohanan

AKSYON AGADni Almar Danguilan MARAMI nang naganap na pagdinig sa Blue Ribbon Committee tungkol sa …

Sipat Mat Vicencio

Chiz, Jinggoy ‘patay na ang karera sa politika’

SIPATni Mat Vicencio DAHIL sa iba’t ibang kontrobersiyang kinakaharap nina Senator Chiz Escudero at Senator …