Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Aksyon Agad Almar Danguilan

Bakit pipi ang PDP sa isyu ng West Philippine Sea?

AKSYON AGAD
ni Almar Danguilan

BUKOD sa trabaho, food security, at kalusugan, isang pangunahing election issue ang paggiit ng ating karapatan sa West Philippine Sea (WPS).

Patunay rito ang isang survey ng Social Weather Stations, na sinasabing 75% ng mga Filipino (o tatlo sa bawat apat) ang pipili ng mga kandidato na naninindigan laban sa pambu-bully sa atin ng China sa sarili nating teritoryo.

Ibig sabihin lang nito, gusto ng mga mamamayan ng matatapang na kandidato na handang ipaglaban ang integridad at soberanya ng Filipinas.

Nakapagtataka kung bakit napakatahimik ng senatorial candidates ng PDP Laban kapag isyu na ng WPS ang pinag-uusapan. Pati si Vice President Sara Duterte ay “no comment” din kapag China-China na ang usapin.

Ayaw ba ng PDP Laban bets ng boto o sadyang pinopoon lang talaga nila ang China, gaya rin sila ni VP Sara? At ito ang nakatatakot kung pipili tayo ng pro-China candidates dahil imbes protektahan nila ang bansa at mga mamamayan ay baka i-gift wrap pa nila ang iba pa nating teritoryo at ipamigay lang nila sa China.

Tandaan natin, ang Senado ang nakatoka pagdating sa treaties at international agreements kaya huwag nating sayangin ang ating boto. Dapat bumoto tayo ng pro-Philippines para protektado ang bansa natin.

Nakapangangamba ang tahasang panghihimasok ng China ngayong mid-term elections. Mabuti na lang at matapang itong ibinunyag ni Senate Majority Leader Francis Tolentino. Samahan natin si Tolentino sa kanyang pagbabantay.

Gusto kasing impluwensiyahan ng China ang halalan at makapasok ang minamanok nitong mga kandidato sa layong makabuo ng isang Senado na pro-China. Dahil sa pagiging sakim sa nasasakupan, may ilan kasing batas at polisiya na pinag-iinitan ang China at gusto nito na maamyendahan ang mga ito.

Parang si Alice Guo ang model ng China sa operasyon nito. Kung naging mayor si Guo sa isang bayan sa Tarlac, gusto rin ng China na makapagpasok ng mga kandidato nito sa Senado.

Kung nagkaletse-letse ang isang maliit na bayan ng Bamban dahil kay Guo, hindi malayong magkaroon ng matinding kaguluhan sa buong bansa kung papayagan nating makapasok sa gobyerno (partikular sa Senado) ang mga galamay ng China.

Kailangan natin ng isang Senado na makabayan upang baguhin ang antigo nang Anti-Espionage Law para maparusahan nang bonggang-bongga ang sinumang Filipino na magtataksil sa Bayan.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Almar Danguilan

Check Also

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kapag tama ang paggamit ng pondo, lahat tayo panalo

AKSYON AGADni Almar Danguilan SA RAMI ng ingay na nilikha ng balita tungkol sa pagbabalik …

Aksyon Agad Almar Danguilan

500k TPMM raliyista safe sa seguridad ng QCPD

AKSYON AGADni Almar Danguilan HINDI sapat ang salitang “Salamat QCPD” sa pagbibigay seguridad sa halos …

Dragon Lady Amor Virata

Si general social media at tv ang gusto, ayaw sa diyaryo, para sikat!

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata SINO itong General na binara-bara ang mga diyarista at …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Tsismis vs katotohanan

AKSYON AGADni Almar Danguilan MARAMI nang naganap na pagdinig sa Blue Ribbon Committee tungkol sa …

Sipat Mat Vicencio

Chiz, Jinggoy ‘patay na ang karera sa politika’

SIPATni Mat Vicencio DAHIL sa iba’t ibang kontrobersiyang kinakaharap nina Senator Chiz Escudero at Senator …