Sunday , December 14 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Yanna Vlog LTO Road Rage

Sa Zambales road rage
Motorcycle vlogger inisyuhan ng LTO-SCO

INISYUHAN ng Land Transportation Office (LTO) ng ‘Show Cause Order” (SCO) ang isang sikat na motorcycle vlogger dahil sa insidente ng road rage sa Zambales, na nag-viral sa social media.

Sinabi ni LTO Chief, Assistant Secretary Atty. Vigor D. Mendoza II, kanilang hihilingin sa Yanna Moto Vlog na ipaliwanag kung bakit hindi dapat suspendehin o bawiin ang kanyang lisensiya sa pagmamaneho dahil sa nangyaring road rage na kanyang kinasangkutan.

“Matagal na tayong nagpapaliwanag sa milyon-milyon nating mga kababayang motorista na walang mabuting idinudulot ang init ng ulo sa kalsada — at napakarami ang naparusahan natin dito,” ayon kay Mendoza.

“On the part of this vlogger, she should have used her social media influence to promote responsible driving and road safety,” dagdag niya.

Sa viral video, ipinakita ni Yanna Vlog ang middle finger gesture sa driver ng isang pick-up truck dahil wala umanong ingat ang pagmamaneho ng huli.

Dahil dito, kinompronta siya ng pick-up driver kung bakit siya nag-bad finger gayong maayos umano ang kaniyang pagmamaneho kalsada.

Nakipagtalo si Yanna Vlog sa pick-up driver at gumawa ng mga nakaiinsultong komento nang umalis ang huli.

Humingi ng paumanhin si Yanna Vlog matapos ma-bash sa social media.

Gayonman, sinabi ng LTO chief na itutuloy pa rin ang imbestigasyon sa insidente. (ALMAR DANGUILAN)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Almar Danguilan

Check Also

Goitia

Goitia: Gawang-Pilipinas na COBRA System, Hudyat ng Bagong Yugto sa Pambansang Depensa

Ang pag-turn over ng gawang-Pilipinas na Controller Operated Battle Ready Armament (COBRA) automated weapon system …

fake news

Walang pasok sa 26 at 29 Nobyembre fake news — Recto

FAKE NEWS ang Memorandum Circular 47 na nagsasabing walang pasok sa mga tanggapan ng gobyerno …

Money Bagman

AICS ng DSWD ‘kinupitan’ 14 barangay execs sinampahan ng kaso

NAGHAIN ng reklamo ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa Office of the …

Vigor Mendoza LTFRB

LTFRB Ch Mendoza pumalag vs 3 insurance management ng IC

MISMONG si Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) Chairman Vigor Mendoza ang humiling sa …

Aleah Finnegan SEAG

Finnegan nasungkit ang pangalawang ginto sa SEA Games

BANGKOK — Muling pinatunayan ni Paris Olympian Aleah Finnegan na siya ang pinakamakinang na bituin …