Saturday , December 20 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Sue Ramirez Dominic Roque

Sue Ramirez sigurado na kay Dominic Roque

RATED R
ni Rommel Gonzales

WALANG duda na maligaya si Sue Ramirez sa piling ni Dominic Roque.

Nang matanong kasi tungkol sa kanila ni Dominic, Wala raw pressure at basta ini-enjoy lang nila kapag magkasama sila.

“Ang saya lang. Masaya lang kami lumalabas.

“We enjoy time together. We go on adventures. We eat the best food together. 

“Mahalaga rin ang foundation na you find interests and so far swak naman,” saad ni Sue.

Gumaganap bilang si Gaila sa pelikulang In Between na confused ang kanyang karakter pagdating sa pag-ibig.

Pero sa tunay na buhay?

“Hindi po ako confused. Sure na ako,” nakangiting sinabi pa ni Sue.

“Ako rin naman, sa edad na ito, parang ang dami pa rin natin gustong gawin and i-try.

“Hanggang ngayon ay hinahanap pa rin natin ang sarili natin.

“At this point, we should not judge the choices people make. If that is what makes them happy, they should do it as long as wala silang natatapakang iba.”

“I don’t think I’m the type to do ‘in betweens.’ I think, lover girl talaga ako,” saad pa ni Sue.

Ang In Between ay idinirehe ni Gino Santos ns ang lead actor ay si Diego Loyzaga sa papel bilang si Shane at ipalalabas s amga sinehan sa May 7, mula sa Viva Films.

Balik-tambalan ito nina Sue at Diego na unang nagkasama noong 2022 sa pelikulang  How to Love Mr. Heartless.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

Zaijian Jaranilla Earl Amaba Krystel Go Im Perfect

Zaijian nahirapan noong una: pero nang nakita ko ‘yung eksena sobrang magical

RATED Rni Rommel Gonzales MAHUSAY na aktor pero aminado si Zaijian Jaranilla na nahirapan siya sa papel …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

Sylvia Sanchez Im Perfect MMFF

Sylvia laban o bawi ang I’m Perfect

RATED Rni Rommel Gonzales MGA “anghel sa buhay namin” ang tawag ni Sylvia Sanchez sa mga cast …

Innervoices Aliw Awards

Innervoices Best Group Performer in Hotels, Music Lounges and Bars sa 38th Aliw Awards

RATED Rni Rommel Gonzales “MEN in white” barong ang peg ng paborito naming Filipino all-male …

Maya Twinyonaryo

Maya sa Twinyonaryo ng paghiram, paggastos 

NGAYONG Kapaskuhan, mas sulit ang bawat gastos mo lalo kung may chance manalo ng malaki …