Wednesday , December 17 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
3RDEY3 AI

Prediction ng AI: Abby Binay, puwedeng malaglag sa Magic 12

KUNG pagbabatayan ang pag-aanalisa ng artificial intelligence ng 3RDEY3 (@3RD_AI_) na naka-post sa X, may malaking porsiyento na hindi makasasampa si Makati Mayor Abby Binay sa inaasam na Magic 12 sa Senado taliwas sa kanyang inaasahan.

Ayon sa post ng 3RD_AI_, naitala ang tsansa ni Abby Binay sa ika-11 hanggang ika-14 puwesto sa Magic 12 kaya puwede siyang malaglag sa ika-13 hanggang ika-14 puwesto sakaling lumakas ang kalaban niya.

“Our AI model predicts medium chances of her winning ranking between 11-14,” giit ng grupo.

Pinagbatayan ng grupo ang pag-aanalisa sa nakikitang posts ng netizens sa iba’t ibang social media platform na binigyan nila ng scoring sa positive, negative, at neutral na porsiyento

Sa pag-aanalisa ng 3RD_AI_ na kahit may 40% positive narrative sa social posts ang nakukuha ni Abby Binay sa pagiging alkalde ng Makati City, nahaharap naman ang anak ni dating Vice President Jejomar Binay sa lumalakas na negatibong kritisismo sa kanyang comments sa ibang political figures.

“Like many politician, Abby Binay faces criticism particularly in relation to her comments on other political figures and her family political legacy. Some narratives focus on these controversies questioning her motives and political strategies,” ayon kay 3RDEY3.

Umani rin si Abby Binay ng 30% negative sentiments mula sa social posts mula sa publiko at 20% neutral sentiment at 50% positive sentiments.

Ayon sa 3RDEY3, halos 40% ng kabuuang conversation kay Abby Binay sa social media ay may relasyon sa liderato niya sa Makati City.

Ngunit, natuklasan din ng grupo na 20% ng kritisismo kay Abby Binay ay nag-uugat sa family background at kontrobersiyal na alyansang politikal.

Matatandaan na unang umani ng matinding kritisismo ang pamilya ni Abby Binay sa pagpapatayo ng parking building ng Makati City Hall na umabot sa bilyong halaga na ibinulgar ni dating Senador Antonio Trillanes IV.

“Negative (30%). Some posts criticize her political strategies and family legacy, which contribute to a negative sentiment. This criticism often focusses on her comments about political and perceived political maneuvering,” ayon sa post ng 3RDEY3

Kaya naitala ng 3RDEY3, moderate lamang ang tsansa ni Abby Binay na makasampa sa Senado.

“Abby Binay has a moderate chance of winning a Senate seat. Her strong political alliances and achievement as mayor contribute positively, but criticism and controversies may impact her overall appeal,” ayon sa 3RDEY3.

Base sa account ng @3RD_AI_ ( https://x.com/3RD_AI_) na nagsasabing “AI model to track common-sense and make predictions on geopolitics, elections and global crisis. Nakabase ang grupo sa San Francisco, California at lumahok sa X noong Pebrero 2024 na may 1, 277 followers kabilang ang ilang local influencer sa social media.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Goitia PCG PH Army

Goitia: Ang Pag-atake sa Escoda Shoal ay Maaaring Ituring na Deklarasyon ng Digmaan

Sinasadyang Karahasan sa Kabuhayan ng Pilipino Ang pagkasugat ng tatlong mangingisdang Pilipino at pagkasira ng …

Brian Poe FPJ Grace Poe

Iba’t Ibang sektor nagkaisa sa paggunita kay FPJ
Suporta para sa legasiya ni FPJ at Grace Poe ipinahayag sa Ika-21 anibersaryo ng pagpanaw

LIBO-LIBONG mamamayan mula sa iba’t ibang sektor ang nagsama-sama upang gunitain ang ika-21 anibersaryo ng …

DOST Region 02 Upskills ST Pen Videography to Boost Scicomm

DOST Region 02 Upskills S&T Pen Videography to Boost Scicomm

The Department of Science and Technology (DOST) Region 02 strengthened its science communication initiatives as …

PTFOMS Recto

Recto: Human security must be central to national security

Executive Secretary Ralph G. Recto has underscored that human security must be central to the …

Joey Salceda

Salceda, walang kinaalaman sa ‘2024 national budget insertions’

MATINDING pinabulaanan ni dating Albay Rep. Joey Sarte Salceda ang paratang na mayron siyang kinaalaman …