Saturday , December 20 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Absentee voting ng AFP matagumpay na naisagawa sa Fort Ramon Magsaysay

Absentee voting ng AFP matagumpay na naisagawa sa Fort Ramon Magsaysay

MATAGUMPAY na naisagawa ang Absentee Voting para sa mga sundalo ng iba’t ibang Philippine Army Major Units at SOCOM – AFP sa Fort Ramon Magsaysay, sa Palayan, lalawigan ng Nueva Ecija, nitong Martes, 29 Abril, bilang bahagi ng karapatan at kalayaan ng mga sundalo na mamili at bumoto ng kanilang napiling mga kandidato sa national level, at ito rin ay bilang preparasyon at paghahanda para sa seguridad ng nalalapit na National and Local Elections sa 12 Mayo.

Pinangasiwaan ang botohan sa Kaugnay Officers’ Clubhouse ng 7th Infantry (Kaugnay) Division, sa pangunguna ng Commission on Elections (COMELEC), katuwang ang pamunuan ng 7ID.

Layunin ng aktibidad na mabigyan ng pagkakataong bumoto ang mga sundalong posibleng ma-deploy o nasa critical na tungkulin sa araw ng halalan.

Lumahok ang mga botante mula sa iba’t ibang Military units sa Fort Magsaysay, kabilang ang 7ID; Special Operations Command (SOCOM), AFP; Special Forces Regiment (Airborne); 1st Brigade Combat Team (1BCT); Army Aviation Regiment (AVnR); Armor “Pambato” Division (AAR); Combat Engineering Regiment (CER); Army Artillery Regiment; Installation Management Command (IMCOM), at Light Reaction Regiment (LRR).

Naging sistematiko, payapa, at ligtas ang buong proseso ng pagboto, kasabay ng mahigpit na pagpapatupad ng security protocols.

Ang One FortMag Community Absentee Voting ay patunay ng pagtupad ng mga kawal sa kanilang tungkulin hindi lamang bilang tagapagtanggol ng bayan kundi bilang aktibong mamamayan sa ilalim ng isang demokratikong lipunan. (MICKA BAUTISTA)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Micka Bautista

Check Also

Laoang Northern Samar PNP

Sa Laoang, Northern Samar
P.1-M cash, alahas isinauli ng nakapulot na magsasaka

PINURI ng pulisya at netizens ang isang magsasaka nang isauli ang napulot na bag na …

Maria Catalina Cabral

DPWH Ex-Usec. Cabral patay sa Tuba, Benguet

HATAW News Team PATAY ang dating opisyal ng Department of Public Works and Highways (DPWH) …

Marikina

Pamamahala sa trapiko at seguridad sa Pasko, tututukan ng Marikina LGU

BILANG paghahanda sa inaasahang pagdagsa ng mamimili at motorista ngayong Christmas season, iniutos ni Marikina …

Water Faucet Tubig Gripo

Tserman ‘di nagbayad ng bill  
Tumana residents pinutulan ng supply ng tubig

MAAARING mag-Pasko na walang tubig ang mga residente ng Barangay Tumana sa Marikina City matapos …

JV Ejercito BIR LOAs

Sen. JV Ejercito hindi pinalampas BIR hearing kahit nasa ospital

NAGAWANG makadalo sa pamamagitan ng virtual hearing si Senator JV Ejercito sa pagdinig ng Blue …