Sunday , January 11 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Lianne Valentin Jodi Sta Maria

Lianne ‘ginulo’ si Jodi

RATED R
ni Rommel Gonzales

NASA pelikulang Untold ang Sparkle actress na si Lianne Valentin na pinagbibidahan ni Jodi Sta. Maria.

Kontrabida ba si Lianne sa Untold?

Hindi naman ako kontrabida rito, isa lang ako sa kumbaga anino na manggugulo sa karakter niya,”kuwento ni Lianne.

Paano niya “ginulo” ang karakter ni Jodi sa pelikula?

Siguro mentally, emotionally, and psychologically.

“Kasi itong film na ‘to talaga, it’s all about kumbaga parang bukod sa physical, talagang nagpo-focus din siya sa mental mo eh. Sa psychological ng utak mo eh, so isa ako sa manggugulo rito.”

Kumusta ang experience na kaeksena ang isang mahusay na aktres na tulad ni Jodi?

Siyempre basta may eksena kami rito sa film na ‘to na kailangan ko siyang hawakan, alam mo na, basta ‘yung mga ano, so sabi ko nahihiya ako.”

Pinisikal niya si Jodi sa ilang mga eksena nila na magkasama.

Oo, may mga ano rito na medyo physical. Nahihiya talaga ako, parang natatakot akong hawakan si Miss Jodi, Miss Jodi Sta. Maria ‘yun, eh.

“Pero iyon nga, very professional si Miss Jods and talagang ibinigay niya rin ‘yung full trust niya sa akin noong ka-eksena ko siya at ibinigay ko rin naman ‘yung full trust ko sa kanya.

“Napakagaling din ng direktor namin, kudos to direk Derick Cabrido dahil grabe ‘yung collaborative work niya when it comes to his actors.”

Nasa Untold din sina Gloria Diaz, Mylene Dizon, Juan Karlos, Kaori Oinuma, Sarah Edwards, at Joem Bascon at marami pang iba.

Mula sa Regal Entertainment ang Untold na palabas sa mga sinehan ngayong Miyerkoles, April 30.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Andrew E

Andrew E dagsa ang fans, mamamahagi ng collectibles

HARD TALKni Pilar Mateo MAILALARAWAN ang master rapper of this era, Andrew E. bilang livin’ …

Encantadia Chronicles Sanggre

Encantadiks tuloy-tuloy ang panalo

RATED Rni Rommel Gonzales SOBRANG lakas ng Encantadia Chronicles: Sang’gre sa primetime. Base sa overnight NUTAM People …