Saturday , January 31 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
arrest, posas, fingerprints

3 notoryus na pugante naihoyo

TULUYANG nasakote ang tatlong notoryus na puganteng may pinagtataguang kaso sa hukuman sa inilatag na manhunt operations ng pulisya sa lalawigan ng Bulacan nitong Linggo, 27 Abril.

Kinilala ang isa sa mga pugante ng mga operatiba ng Malolos CPS na isang alyas Ivie, natutop sa Brgy. Guinhawa, sa lungsod ng Malolos, dakong 4:00 ng hapon kamakalawa.

Dinakip ang suspek sa bisa ng warrant of arrest para sa kasong paglabag sa RA 10883 (New Anti-Carnapping Act of 2016) na inilabas ni Presiding Judge Sarah Castro Marcos Martin ng Urdaneta City, Pangasinan RTC Branch 45.

Samantala, sa hiwalay na manhunt operation na isinagawa ng tracker team ng Plaridel MPS at Meycauayan CPS, nadakip ang dalawa pang puganteng kinilalang sina alyas Moses, na inaresto sa kasong paglabag sa Sections 5 at 11, Article II ng RA 9165 dakong 9:00 ng umaga sa Brgy. Culianin, Plaridel; at si alyas Mich, na inaresto para sa kasong Robbery dakong 10:15 ng umaga sa Brgy. Camalig, Meycauayan.

Kasalukuyang nasa kustodiya ng kani-kanilang arresting units/stations ang mga naarestong indibiduwal para sa tamang disposisyon.

Ang sunod-sunod na matagumpay na operasyon ng Bulacan Police Provincial Office sa ilalim ng pamumuno ni P/Col. Franklin Estoro ay nagpapakita ng kanilang hindi matitinag na dedikasyon sa paglaban sa kriminalidad. (MICKA BAUTISTA)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Micka Bautista

Check Also

Babys Day Out sa Bohol

Gumala habang nag-aaway si nanay at tatay
Baby’s day-out sa kanyang first birthday

NAALALA ba ninyo ang pelikulang Baby’s Day Out noong 1994?         Puwes nangyari ang isang …

Landers Fairview Fire

LANDERS SUPERSTORE SA FAIRVIEW NATUPOK
5 fire volunteers iniimbestigahan

ni ALMAR DANGUILAN TILA BUONG-BUONG nilamon ng apoyang sangay ng Landers Superstore sa kanto ng …

arrest, posas, fingerprints

Nagpanggap na pulis, kelot timbog sa panloloko

ARESTADO ang isang lalaki matapos magpanggap na pulis at manloko ng isang tindero sa pamamagitan …

Dead body, feet

8-anyos anak patuloy na hinahanap, bangkay ng aleng pulis natagpuan

NATAGPUAN ang wala nang buhay na katawan ng isang babaeng pulis na mahigit isang linggo …

FDNY China WPS

Mga Makabayang Grupo Kinondena ang Agresyon ng China sa West Philippine Sea

Nagdaos ng kilos-protesta ang Filipinos Do Not Yield Movement (FDNY), kasama ang mga lider at …