Sunday , May 11 2025
Manny Pacquiao

Sa latest survey pabalik sa Senado
Pacquiao nangako, laban tuloy para sa mahihirap

DASMARIÑAS, CAVITE – Binasag ni Boxing legend at Senatorial bet Manny Pacquiao ang kanyang pananahimik nitong Huwebes matapos ilabas ang pinakabagong pambansang survey na nagpapakita ng kanyang pagpasok sa “Magic 12” para sa 2025  Midterm elections.

Sa panayam ng mga mamamahayag, nagpasalamat si Pacquiao sa patuloy na tiwala ng mga Filipino.

“Lubos akong nagpapasalamat at kasama tayo sa magic 12 at sa suportang ipinakita sa survey. Malaking bagay para sa akin na patuloy na naniniwala ang ating mga kababayan sa aking kakayahang maglingkod,” ani Pacquiao.

Binanggit ni Pacquiao na hindi niya binabalewala ang maagang resulta ng survey. Kaya plano niyang  samantalahin ang mga natitirang araw ng kampanya para ihatid ang kaniyang mensaheng makipag-ugnayan sa mga komunidad, pakikinig sa mga hinaing, at pagbabalangkas ng isang legislative agenda na  nakatuon sa kahirapan, pagpapaunlad ng sports, libreng edukasyon sa mga kabataan, abot-kayang healthcare at libreng pabahay sa maralita.

“Alam ko na ang mga survey ay pansamantalang larawan lamang, ang tunay na mahalaga ay ipakita sa tao na seryoso ako sa pagtulong, hindi lang puro salita.”

Naniniwala si Pacquiao sa malinaw na mga polisiya na nais niyang gawin ang aakit sa mga botanteng naghahanap ng konkretong plataporma at hindi lang kasikatan.

“Galing ako sa wala, at hindi ko kailanman malilimutan kung saan ako nagmula. Ang laban ko ay para sa mahihirap. Naranasan ko ang kanilang mga hirap, nais kong muli silang bigyang boses sa Senado—mas malakas, mas malinaw, at mas nakatutok,” dagdag ni Pacquiao.

Kasabay ng pagiging relatable ni Pacquiao at pagbabalik sa mga lugar sa bansa ang magpapatibay sa kanyang puwesto bilang isa sa mga nangungunang kandidato.

“Para sa mga patuloy na naniniwala sa akin salamat po. Para sa mga nagdududa, mas lalo po akong magsusumikap upang makuha ang inyong tiwala. Sa tulong ng Diyos, lalaban po tayo hanggang sa huling round ng kampanya at gusto ko marinig n’yo po ang aking mensahe at plano.”

About hataw tabloid

Check Also

Nene Aguilar

Suporta sa miting de avance ng tatak Nene Aguilar team, bumuhos

BUMUHOS ang suporta ng libo-libong Las Piñeros sa miting de avance ng Tatak Nene Aguilar …

Abby Binay

Sa Makati Subway Project, pagsasara ng pasilidad sa EMBOs
ABBY BINAY NAHAHARAP SA CRIMINAL, CIVIL CASES

NAHAHARAP si Mayor Abby Binay sa dalawang magkahiwalay na kasong kriminal at sibil dahil sa …

Bagong Henerasyon Partylist

Bagong Henerasyon (BH) pasok sa winning cricle ng SWS survey

HALOS nakatitiyak na ang Bagong Henerasyon (BH) Partylist ng isang puwesto sa Kongreso base sa …

051025 Hataw Frontpage

Tarpaulin sa highways ipinababaklas
KAMPANYA LAST DAY NGAYON — COMELEC
Alak, sabong bawal din

HATAW News Team NAGPAALALA kahapon ang Commission on Elections (Comelec) sa mga kandidato sa May …

TRABAHO Partylist, umapela sa dagdag na Digital Services Tax para sa freelancers

TRABAHO Partylist, umapela sa dagdag na Digital Services Tax para sa freelancers

UMAPELA ang TRABAHO Partylist, numero 106 sa balota, sa mga mambabatas na magsulong rin ng …